100 Costumes Binitbit Ni Myrtle Sarrosa Para Sa Kanyang Virtual Concert Na “Still Love Me”

Grabe, ang naging paghahanda ng actress at cosplayer na si Myrtle Sarosa sa kanyang kauna-unahanag virtual concert na “Still Love Me” na ginanap noong ika-28 ng Nobyembre 2020, ito ay matapos niyang magdala ng higit isang daang costumes para rito.




Matatandaan na si Myrtle, ay isang kilalang cosplayer, at dating housemate’s ng reality show na Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 na napanood sa ABS-CBN, taong 2012.

Photo Credit: myrtlegail/instagram

Minsan na rin siyang sumabak sa pagiging isang aktres, ng mapabilang siya sa teleserye ng nasabing network na “La Luna Sangre” at “The Good Son.”
Ngunit noon lamang buwan ng Pebrero taong 2020 ay lumipat si Myrtle sa GMA Network.

Photo Credit: myrtlegail/instagram

Samantala, bago maganap ang kauna-unahang virtual concert ni Myrtle, ay sumalang muna siya sa isang virtual presscon noong Huwebes ng tanghali, ika-26 ng Nobyembre 2020 ito ay upang ibahagi ang ilang naging paghahanda niya para sa kanyang “Still Love Me” virtual concert.

Photo Credit: myrtlegail/instagram

Ayon nga kay Myrtle malaking hamon ang kanyang first major concert dahil walang live audience na manonood nang mag-advanced taping siya.
Ang advanced taping ng Still Love Me concert at ginanap noong ika-21 ng Nobyembre sa Teatro Greenhills, San Juan City.

Photo Credit: myrtlegail/instagram

alas kwarto ng madaling araw ng mag-umpisa ang set-up para sa concert ni Myrtle, at ang naging taping ng mga ito ay inabot hanggang alas-nuwebe na ng gabi, ito ay dahil sa siniguro nila at tiniyak na sa ginawang rehearsal ay magiging Pulido ang show na ginamitan ng laser lights at LED wall.

Photo Credit: myrtlegail/instagram

Nakasaad rin sa nasabing artikulo, na ang bitbit na costumes ni Myrtle para sa kanyang virtual concert, ay umabot sa isang daan (100) ang bilang, ngunit walo (8) lamang ang nagamit sa mga ito.

Photo Credit: myrtlegail/instagram

Ang producer ng kauna-unahang concert ni Myrtle ay si Atty. Ferdinand Topacio, na siyang nagmamay-ari ng Borracho Films.




Kaya naman lubos ang naging pasasalamat ni Myrtle dito, dahil sa tiwalang ibinigay nito sa kanya. “Grateful ako kay Atty. Ferdie Topacio at sa lahat ng Borracho Production staff who made it happen.”

Sa nagapan ngang virtual concert ni Myrtle na Still Love Me, ay nagkaroon ng special number si Atty. Topacio.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *