Kilalanin Ang Napaka-Talentadong Anak Ng Komedyante Na Si Jose Manalo

Isa sa mga sikat na komedyante ngayon ay ang komedyanteng si Jose Manalo ng GMA Network, maliban sa isang pagiging komedyante ay isa rin siyang host sa Eat Bulaga na halos ilang dekada ng umeere sa telebisyon.

Image Credit via Google




Ngunit alam niyo ba na si Jose Manalo ay may anak na artista, ito ay si Benj Manalo. Si Benj Manalo ay may kasanayan na sa pagharap sa maraming tao at pag peperform sa entablado dahil isa siyang miyembro at aktor ng teatro kaya’t ang pag-arte sa telebisyon ay hindi na bago pa sa kanya.

Image Credit via Google

Bagama’t isa na siyang artista ngayon at may mga proyekto na rin na pinalabas sa telebisyon ay hindi pa rin iniiwan ni Benj ang kanyang pag arte sa teatro, ginagawa niya ng paraan upang pagsabayin ang mga ito ng hindi na napapabayaan ang bawat isa sa mga ito.

Image Credit via Google

Talaga nga namang namamana ang talent at galing, dahil si Benj Manalo ay hindi maikakaila na ang kanyang angking galing sa pag-arte ay namana niya sa kanyang amang si Jose Manalo. Magaling din sa pagpapatawa si Benj katulad ng kanyang ama.

Image Credit via Google

Ipinamalas ni Benj ang kanyang galing s pag-arte ng siya ay maging isa sa mga karakter na si Pinggoy sa “FPJ Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin. At dahil miyembro rin siya ng tyatro ay kabilang din si Benz sa sa isang musical Rock of Aegis.

Image Credit via Google

At kahit pa nga anak siya ng isang sikat na aktor at komedyanteng si Jose Manalo, ay hindi ito ang ginamit ni Benj upang makilala ang kanyang pangalan sa industriya. Hindi din na pinangalandakan na ang kanyang ama ay isa sa mga sikat na aktor sa industriya bagkus ay ginawa niyang inspirasyon ang kanyang ama upang gumawa ng kanyang sariling pangalan at paningningin pa ang kanyang karera sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap.

Image Credit via Google

Isang ring pamilyadong tao si Benj Manalo, siya ay ikinasal sa kanyang asawang si Lovely Abella at ngayong taon nga ay nagdiwang sila ng kanilang ika-3 taong anibersaryo bilang mag-asawa. Ibinabahagi din niya sa kanyang social media account ang mga mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay mag pamilya katulad na lamang ng pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Image Credit via Google
Image Credit via Google




Hindi nga malabon na malayo ang narating ni Benj sa mundo ng showbiz dahil mas nais niya na magsimula ang kanyang karera na galing sa sarili niyang pagsisikap.

Image Credit via Google

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *