Kilalanin Ang Maswerteng Babaeng Nagpatibok Sa Puso Ng PBB Otso Big Winner Yam Yam Gucong

Talaga namang malaki na ang pinagbago ng estado ng pamumuhay ng Ultimate Big Winner ng Pinoy Big Brother Otsonnana si Yam Yam Goong. Halos lahat ng dahilan upang maging masaya sa buhay ay nakamtan na nga ng PBB Big Winner, dahil mula sa kahirapan ng kanyang pamilya noon ay natupad niya ang matagal na niyang hinahangad na kaalwanan sa buhay para sa kanyang buong pamilya.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram




Napakalaki nga namang premyo ang kanyang naiuwi ng siya a ly manalo sa PBB Otso, ngunit maliban sa Dalawang Milyong Piso na premyo ay talaga namang masasabi na maswerte si Yamyam at ang biyaya ay tuloy tuloy sa kanyang buhay. Sapagkat matapos ang kanyang pagkapanalo ay marami pang oportunidad sa industriya ng showbiz ang nagbukas para sa binata.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Bilang pagmamalaki at paghanga naman sa kanya ng kanyang mga kababayan sa kanilang probinsya, siya ay tinaguriang ditong “Iskulit Bai ng Bohol”

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Dahil sa pagkakaroon niya ng masayang personalidad at positibong pananaw sa buhay, napukaw agad ng binata ang Puso ng ating mga kababayang Pilipino na naka subaybay at nanonood sa reality TV show na PBB Otso ng ABS-CBN.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Ang pagkakaroon niya ng 59 percent na text votes na higit pa sa pinagsama-samang text votes ng ibang PBB Housemates “Big Four” ang naging susi upang ang binata ang tanghalin na Ultimate Big Winner ng nasabing reality show.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Ngunit lingid sa kaalaman ng marami sa atin na bago pa pala pumasok sa Bahay ni Kuya ang binata ay masaya ang buhay pag-ibig nito. Dahil ang 24- taong gulang na binatang nagmula sa Bohol ay natagpuan na ang kanyang tunay na pag-ibig sa kanyang non-showbiz girlfriend na mula rin sa kanilang probinsya at ito ay nagngangalang Elaine.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Ayon kay Yamyam talagang hindi inaasahan ang kanilang unang pagkikita at pagkakakilala. Dahil noong taong 2014 ng magkakilala sila ni Elaine sa isang evacuation center matapos magkaroon ng mapaminsalang lindol sa kanilang probinsya. Dito umano nagsimula ang kanilang pagkakakilanlan ng kinuha niya ang contact number nito at magsimula ng komunikasyon nila sa isa’t isa.

Dalawang taon din umanong naging sikreto ang relasyon ng dalawa, dahil ayon kay Yamyam ay masyado pang bata si Elaine noong mga panahong iyon at bukod pa nga rito ay isang punong-guro sa isang lokal na paaralan ang ama ng nasabing dalaga.

Hindi naman nagtagal ay nalaman din ng mga magulang ni Elaine ang relasyon ng dalawa kaya’t inimbitahan ng mga ito si Yamyam sa kanilang tahanan upang mas makilala pa ang binata.




Dahil sa nakitang mga magulang ni Elaine ang sinceridad ni Yamyam sa kanilang anak na dalaga at nakita nila ang kabutihang asal ng binata ay hindi naman nila hinadlangan kung ano man ang relasyon na mayroon na ang dalawa at binigay ang basbas ng mga ito sa magkasintahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *