Silipin Ang Ipinapagawang Bahay Ng Batang Aktres Na Si Andrea Brillantes

Si Andrea Brillantes, ay isang batang aktres na mas nakita ang galing sa pag-arte ng siya ay gumanap bilang si Marga sa katatapos lamang na Kapamilya serye ng ABS-CBN na “Kadenang Ginto”.

Photo Credit: blythe/Instagram




Bata pa lamang si Andrea ay may pangarap na siyang bahay “dream home”, noong siya ay 4-taong gulang ay lagi niyang hinihiling na magkaroon ang kanilang pamilya ng sariling bahay na maganda at kung saan sila ay maging komportable manirahan.

Photo Credit: blythe/Instagram

Ngayon ang pangarap na “dream home” ng batang aktres noong siya ay bata pa, ay unti-unting nabubuo. Sa kanyang joint vlog kung saan kasama niya ang kanyang mga “Kadenang Ginto” co-star na sina Francine Diaz, Seth Fedelin ay Kyle Echarri ay nagbahagi si Andrea ng video tour sa kanyang bahay na pinapagawa.

Photo Credit: blythe/Instagram

Habang nag-iikot at ipinapakita ang kanyang unti-unti ng natutupad na “dream home” ay ikinuwento ng batang aktres kung paano siya nangarap magkaroon ng sariling bahay at paano unti-unting natutupad ang kanyang pangarap.

Photo Credit: blythe/Instagram

” Nagstart akong mag-audition, extra-extra noong four years old ako. Tapos extra pa lang ako noon gusto ko na ng bahay na sarili namin ng pamilya ko. Hanggan sa nag-audition ako ulit ng seven years old…After nine years, eto na!” pagkukwento ng batang aktres.

“Gusto ko talaga yung subdivision na’to kaso dati wala pa ako caching (money), wala pa akong show. So sabi ko huwag na. Tapos noong nagkaroon ako ng Kadena (Kadenang Ginto), naisip ko baka naman kaya ko na”, saad pa ni Andrea.

Ang bahay na ipinapagawa ng aktes ay may tatlong palapag, sa unang palapag ay naroon ang Living room, Kitchen and Dining Room, Powder Room, movie room at naruto rin ang silid para sa kanyang Lola. May swimming pool din ang tahanan na ito ng aktres.

Video Credit: YouTube

Ang pangalawang palapag naman ay inilaan ng aktres para sa silid ng kanyang mga magulang at mga kapatid, at sa ikatlong palapag ng bahay ay naroon matatagpuan ang silod ni Andrea, ang kanyang walk-in closet at mayroon din siya ritong “sunbathing area”.




Ibinahagi din ng aktres kung ano ang plano niya isav malawak na bahagi ng kanilang bahay, dito umano ay ilalagay niya ang kanyang drum set, punching bags at set-up ng “game station”.

Ayon pa kay Andrea ay takot siya matulog mag-isa sa silid kaya nilolojo siya ng kanyang mga kapatid. “Sabi ko sa mga kapatid k, I’ll prove you guys you guys wrong. Kaya ko matulog mag-isa. Takot kasi ako matulog mag-isa” , pag-amin ni Andrea.
“Papatunayan ko sa inyo, pag tapos na to, 17 na ako noon so siguro naman kaya ko na”, dadgad pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *