Kathryn Bernardo Pinangunahan Ang Groundbreaking Ng Kanyang Ipapatayong Dream House

Isa si Kathryn Bernardo sa mga Teen Artist ngayon na talagang namamayagpag ang karera sa industriya ng showbiz, mas lalo pa siyang nakilala at minahal ng kanyang mga tagahanga ng makatambal niya si Daniel Padilla at sa kalaunan ay naging opisyal na magkasintahan ang dalawa.

Photo Credit: bernardokath/Instagram




Ngayon ay panibagong pangarap naman ni Kathryn Bernardo ang kanyang tinutupad, at makikita kung gaano siya sinusuportahan ng kasintahang si Daniel Padilla.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Matapos nga ang tatlong taong paghihintay at pagpaplano, ngayong taon nga ay sinisimulan na ang pagpapatayo ng dream home ng aktres.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Nitong March 10 lamang, sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng Pheonomenal Box-Office Queen ang ilan sa mga larawan na kuha sa ginanap na groundbreaking sa ipinatayo niyang bahay.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Makikita sa larawan ang ilan sa mga kapamilya ng aktres na todo ang suporta sa kanya, kabilang dito ay ang kanyang ama na si Daddy Teodore, ina na si Mom Min, kapatid na si Chrysler, pamangkin na si Lhexine ay syempre hindi mawawala ang kanyang reel-to-reel life partner na si Daniel Padilla.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Ang mga larawan na ibinahagi ng nasabing aktres sa kanyang Instagram ay may caption na “March 9, 2020, Day 1. Ground breaking of our new home.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Ayon pa sa aktres ay hindi siya makapaniwala na, sa tatlong taong naging paghihintay ay narito na nga at in umpisahan na ang pagbuo sa kanyang dream home.
“The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning! dagdag pa ng aktres.

Photo Credit: bernardokath/Instagram

Matatanda na nung nakaraang taon, buwan ng July ay ibinahagi ni Kathryn ang plano niyang pagpapatayo ng kanyang dream home. “Dream ko talaga na magpatayo yung dream house namin ni mama. Pero hindi kasi joke ang gagastusin, tapos ang daming priorities.




So sabi namin baka next year. Tapos matagal na siya ng matagal bago masimulan.” saad ni Kathryn. Marami nga naman ang nagpaabot ng pagbati ng Congratulations para sa aktres, dahil sa panibagong katuparan ng kanyang pangarap.

Ngayong taon naman ay kaabang-abang ang balik tambalan nila ng kanyang real life sweetheart na si Daniel Padilla sa isang proyekto na mapapanood sa Big screen, ito ay ang ” After Forever” sa direktor ng Blockbuster Director Cathy Garcia-Molina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *