Shaina Magdayao May Ibinulgar Sa Muling Pagsasama Nila Sa Isang Proyekto Ng Ex-boyfriend Na Si John Lloyd Cruz

Kinumpirma na ng aktres na si Shaina Magdayao na muli niyang makapagtrabaho sa isang malaking proyekto na ipapalabas sa big screen ng dating nobyo na aktor na si John Lloyd Cruz.

Image Credit Via Google




Matapos nga ang ilang taon na pagkawala ng aktor na si John Lloyd Cruz sa industriya ng showbiz, ngayon nga ay unti-unti na siyang bumabalik. Ngayong taon ay mayroon na ngang proyekto na muling pinagbibidahan si JLC, kaya naman marami ang excited na sa magiging proyekto na ito ng nasabing aktor. At isa pang pinananabikan sa proyektong ito ay ang muli nilang pagsasama ng dating nobyo nito na si Shaina Magdayao.

Image Credit Via Google

 

Ngunit kamakailan lamang, sa isang presscon ni Shaina sa kanyang panibagong 2020 Metro Manila Film Festival Summer na “Tagpuan”, ay klinaro ng aktres na maikli lamang ang magiging role niya sa pelikulang gagawin na kasama si JLC. Dahil ang comeback movie ni JLC na “Servando Magdamag” ay pelikula lamang ng aktor.

“Actually, it’s not my film. I’ll answer it once and for all para hindi na tayo humaba pa. It’s not my film with him. It’s his film. It’s a Ricky Lee material. It”?’s called Servando Magdamag. It’s directed by Lav Diaz. It’s not my film. Cameo lang po ako” saad ng aktres sa mga press na nagtatanong tungkol umano sa pelikula nila ni John Lloyd.

Ayon kay Shaina ay pumayag siya na magkaroon ng maikling role sa proyektong ito ay dahil kay Direk Lav Diaz, malaki umano ang utang na loob niya sa naturang direktor at marami na din silang pelikula na ginawa.




” Sa lahat ng film na ginagawa ko po kasi with Direk Lav, hindi ko po hihindi-an yan. I was able to attend so many international film festival and the exposure he has given me is something na hindi ko inakala na mararating ko”, pahayag ng aktres.

Sinabi rin ni Shaina na maayos naman ang pakikitunguhan nila ng dating nobyo na si John Lloyd Cruz, at masaya din umano siya na muling makatrabaho sina JLC at Direk Lav Diaz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *