Silipin Ang Napakalawak Na Farm Ni Dimples Romana Sa Alfonso Cavite Na Bunga Ng Kanyang Pagsisikap

Tunay nga namang kaligayahan ang nadarama ng isang tao, kapag ang isang bagay na kanyang pinapangarap o nais makamtan ay kanya ng nakuha o nakamit. Ngunit mas doble ang ligayang nadarama kung ang mga bagay na ito ay nakamit mo dahil sa naging bunga ito ng iyong sipag at tiyaga sa iyong pagtatrabaho.




Para sa karamihan rin sa atin, ang makabili o makapundar ng mga bagay na nais natin tulad ng gadgets, sasakyan o bahay ay isa sa mga paraan natin upang bigyang reward ang mga sarili natin dahil sa ating ginagawang pagpupursige sa buhay.

Image Credit via Google

At syempre mas ginaganahan tayo, na mas lalo pang magsumikap hindi lang upang ang ating sarili ang mapagbibigyan natin sa mga bagay na nais nating, kundi maging ang ating minamahal na pamilya.

Image Credit via Google

Kung sa mga maliliit na bagay na rewards natin sa ating sarili tulad ng gadgets ay nasisiyahan na tayo, paano pa kaya kung ang naipundar at makamit natin ay ang pangarap ng marami sa atin na malaking lupain na kung saan ay pagtatayuan natin ng isang tahanan.

Image Credit via Google

Hindi nga naman biro ang nakapag pundar ng malawak na lupain dito sa Pilipinas dahil sa super mahal ng bentahan ng lupain dito, kaya naman talagang kapag ikaw ay nakapag pundar ng isang malawak na lupain ay malaking achievement na talaga ito sa iyong buhay.

Image Credit via Google

Isa nga sa mga kilala nating personalidad sa showbiz ang nakapag pundar ng pangarap niya ng lupain, at ito ay walang iba kundi ang naging popular na kontrabida ng primetime seryeng Kadenang Ginto na si Dimples Romana o mas nakilala natin bilang si Daniela Mondragon-Bartolome sa nasabing serye.

Image Credit via Google

Nakilala natin si Dimples sa seryeng Kadenang Ginto bilang isang sopistikada ng malditang mayaman, kung saan ay malayong-malayo sa personalidad ni Dimple sa totoong buhay. Sapagkat sa toong buhay ay isang mapagmahal na asawa at ina si Dimples sa kanyang pamilya.

Image Credit via Google

Labing-anim na taon na ring kasal si Dimples sa kanyang asawa, at sila ay biniyayaan na rin ng dalawang anak. Masasabi nga na hindi lang basta mapagmahal na asawa at ina si Dimples dahil magaling rin siya humawak ng pera ng kanyang kinikita kaya naman ilang properties na nga ang kanyang naipundar at ang pinakabago ngayon ay ang nabili niyang malawak na lupain na nagsilbing farm ng kanilang pamilya.

Image Credit via Google

Ang lupaing ito na nabili ni Dimples noong nakaraan pang taon ay matatagpuan sa Alfonso, Cavite at ito nga ay itinuturing ng aktres na kanyang dream paradise. Napakahalaga rin sa kanya ng ari-arian niyang ito, dahil ito ay isa sa mga naging bunga ng kanyang pagtatrabaho.




Ayon naman sa Kadenang Ginto actress, ang kanyang dalawang matalik na kaibigan na sina Bea Alonzo at Angel Locsin ay proud sa achievement niyang ito sa kanyang buhay.

Image Credit via Google

Nakapagpa Gawa na rin si Dimples sa lupain niyang ito ng isang maliit na bahay na may mga bunk beds, at ayon pa sa aktres ay nais niya din na magkaroon siya ng hardin sa lupain niyang ito.

Hindi rin umano nakakalimutan ng aktres ang payo sa kanya ng aktor na si Tirso Cruz III na “kapag may nais siya sa kanyang buhay, at pinagtrabahuan niya talaga ito ay hindi magdadalawang-isip ang Diyos na ibigay ito.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *