18 Taong Gulang Na Buntis Tiniis Ang Mapanghusgang Lipunan Hanggang Makapagtapos Ng Pag Aaral

Hindi natin pwedeng husgahan ang isang tao batay lamang sa kanyang pagkakamali sa kanyang nakaraan. Mainam na bigyan natin sila ng pagkakataon na makaahon at maayos ang sarili sa pamamagitan ng pagsuporta natin sa kanila imbis na husgahan at batikusin. Ngunit, ano nga ba ang pagkakamali? Isa nga bang pagkakamali ay mabuntis ng maaga?

Isa pang pagkakamali ang mabuntis habang nag-aaral? O, mali lamang ito sa ating paningin? Ang pagbubuntis ay isang siyensya, parte na ito ng ating mga katawan. Pero dahil sa mapanghusgang lipunan, ang mabuntis sa murang edad ay isang napakalaki ng pagkakamali at kahihiyan.

Photo Credit: Google




Naging biktima ng ganitong uri ng panghuhusga si Zianne Tremedal matapos itong mabuntis habang nasa ikatlong taon niya sa kursong Medical Technology sa Southwestern University sa siyudad ng Cebu. Umani ng insulto ang batang ina katulad ng “black sheep” dahil raw sa kahihiyang dulot nito sa kanyang pamilya.

Photo Credit: Google

Nang malaman niyang dalawang buwan siyang buntis, pumunta agad siya sa isang clinic upang mag ultrasound. Ayon kay Zianne, hindi niya raw alam kung naiyak ba siya sa tuwa o sa lungkot. Pero ayon sa kanya, iba raw ang pakiramdam na marinig mo ang pintig ng puso ng sanggol sa iyong sinapupunan.

Photo Credit: Google

Nagdalawang isip rin raw siya kung ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Ngunit dahil pangatlong taon na niya sa eskwela, ipinagpatuloy niya ito. Malaking tulong ang kanyang mga kaklase para sa kanya dahil binibitbit raw nito ang kanyang mga dalang gamit at tinulungan siya sa kanyang mga aralin.

Noong siya ay nanganak, kinakailangan niyang iuwi ang kanyang sanggol sa kanyang mga magulang kung saan siya nagmula. Tatlong beses sa isang linggo, nagpapadala siya ng kanyang sariling gatas sa pamamagitan ng pagpapump nito at nakalagay sa isang ice bucket at pinapadala sa cargo.

Photo Credit: Google

Ayon pa kay Zianne, masakit at nakakahiya raw ngunit naisip niyang para naman sa kanilang mag-ina ang kanyang ginagawa at hindi para sa ibang tao. Ibang lungkot rin raw ang kaniyang nadarama sa tuwing naririnig niya ang iyak ng kanyang sanggol ngunit kaibigan niyang magtiis para sa kanilang kinabukasan at para makabayad sa nag sakripisyo ng kanyang mga magulang para sa kanilang mag-ina.

Photo Credit: Google

Sa ngayon, sa edad na 21, isa nang ganap na Registered Medical Technologist si Zianne. At para sa kanya: “Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito,” “That one mistake taught me a valuable lesson. Mahirap, pero worth it.”

Photo Credit: Google




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *