Angel Locsin Inamin Na Nabawasan Ang Mga Mag Aaral Na Binigyan Niya Ng Iskolar

Noon nga lamang nakaraang buwan ng Abril ay nagdiwang ng kanyang ika-36 taong kaarawan ang hinahangaan at iniidolong aktres na si Angel Locsin. At sa naging pagdiriwang nga ng kanyang kaarawan, ay isang sorpresa ang naging handog sa kanya ng kanyang “Iba Yan” family.




Sa naging sorpresa nga “Iba Yan” family ni Angel para sa kanya ay hindi niya nga napigilan ang maging emosyonal, kung saan ay naiyak nga siya ng marinig niya ang mga ‘birthday message’ para sa kanya ng mga tinutulungan niyang cancer patients at scholars.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Isa-isa ngang bumati kay Angel sa nakaraang episode ng programang ‘Iba Yan’ ang mga cancers patients at scholars na kanyang tinutulungan, at nagpasalamat pa nga ang mga ito sa pagmamahal at suporta na ibinibigay sa kanila ng aktres sa loob nga umano ng napakarami ng taon.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Samantala, nagsilbing host naman ng programa sa mga panahon na ito ag kaibigang aktres ni Angel na si Angelica Panganiban.Makikita nga sa episode na ito ng ‘Iba Yan’ ang naging pagpapalabas ng compilation ng mga video greeting na nagmula nga sa mga personal beneficiaries ni Angel na nasa pangangalaga ng Cancer Warriors Foundation. Kabilang rin sa naturang video ang mga iskolar niya na nasa Bukidnon.

Photo Credit: therealangellocsin/Instagram

Nang mapakinggan nga ni Angel ang lahat ng mga mensahe ng kanyang mga cancer patients at scholar ay napaiyak na nga siya, kasabay nito ay ang pagbibigay niya ng pasasalamat sa mga ito dahil sa naging pag-alala ng mga ito sa kanyang kaarawan.

Habang nagpapasalamat naman, ay nabanggit ni Angel kung gaano siya nahihiya sa mga skolar niya na nasa Bukidnon, dahil sa nabawasan na nga ang mga nabigyan niya ng tulong sa kanilang pag-aaral.

“Actually, nahihiya ako sa kanila, kasi ‘yung nga scholars natin sa Bukidnon, marami sila dati. Simula noong nawalan tayo ng franchise (ng ABS-CBN) hindi ko na mabigyan lahat”, ani Angel.

Dagdag pa nga niya, “Iilan na lamang sila ngayon. Kaya medyo hindi ako makapagpakita sa kanila, kasi nahihiya ako, kasi ‘yung commitment ko hindi ko maibigay sa kanila.”
“Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kasi parang feeling ko kulang pa.”




Bago naman natapos ang nasabing episode na ito ng programang ‘Iba Yan’ ay pinuri at binigyang pagkilala ni Angel ang nasabing programa, lalo na ang production team nito dahil sa ipinapamalas na sipag at dedikasyon ng mga ito sa kanilang trabaho sa kabila nga ng patuloy na banta ng krisis.

“Iba yung passion niyo sa trabaho. Lagi ko talaga kayo ipinagmamalaki dahil nakahanap ako ng grupo na iba ‘yung malasakit sa mga tao talaga. Hindi lang ‘to basta trabaho; serbisyo talaga ‘to”, pahayag pa nga ng tinaguriang real life Darna sa ating bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *