Natural Na Lunas Para Sa Pasma, Binat At Lamig Sa Katawan

Mahalaga na napapangalagaan natin ng tama ang ating katawan ngunit hindi talaga natin maiiwasan ang ilang problema sa kalusugan. Noong unang panahon hindi pa uso ang mga gawa sa komersiyal na gamot at mga natural at halamang gamot lamang ang ginagamit n gating mga ninuno. Ang mg sakit at kundisyon katulad ng pasma, binat at lamig sa katawan ay maaaring malunasan gamit lamang ang mga natural na sangkap ng hindi gumagastos ng malaki.




Ano Nga Ba Ang Pasma?

Ang pasma ay isang uri ng problema sa nerve na maaaring magdulot ng panginginig o pagpapawis ng parte ng katawan na kadalasang nangyayari sa kamay. Maaari rin itong magdulot ng sakit sa katawan.

Ano Nga Ba Ang Binat?

Ang binat ay isang kundisyon kung saan kakagaling lang sa sakit ang isang tao at biglang napwersa ang katawan na nagdudulot ng binat. Ang binat sa panganganak ang isa sa pinaka nakakatakot na uri ng binat dahil maaaring masira ang pag-iisip ng isang babaeng nakakaranas nito o kaya naman ikamatay niya ito.

Ano Ang Lamig Sa Katawan?

Ang lamig sa katawan ay nagdudulot ng pananakit sa buong katawan o sa parte kung saan lang apektado. Ito ay dulot minsan ng sobrang pagka-expose sa hangin na nag-iipon sa loob ng katawan ng isang tao. Ang lamig sa katawan ay maaaring makuha sa pamamagitan ng hilot ngunit mayroong iba pang paraan para matanggal ito at ituturo naming ito sa inyo.

Natural Na Lunas Para Sa Binat, Pasma At Lamig Sa Katawan

Sangkap:

  • Laman ng buko
  • Kalahating litro ng sariwang sabaw ng buko
  • ¼ sinangag na bigas
  • ¼ sinangag na mais
  • 10 sariwang dahon ng sambong
  • 10 sariwang dahon ng suha
  • 10 sariwang dahon ng oregano
  • 10 sariwang dahon ng sampalok
  • 10 sariwang dahon ng kamias
  • 10 sariwang dahon ng avocado
  • 10 sariwang dahon ng mangga
  • 10 sariwang dahon ng bayabas
  • 10 sariwang dahon ng guyabano

Preparasyon At Paggamit:




  1. Hugasan ang lahat ng sangkap na dahon.
  2. Pagkatapos hugasan ang mga dahon ilagay ito sa malinis na kaserola at idagdag ang sinangag na mais at bigas pati narin ang laman ng buko at sariwang sabaw nito.
  3. Ilagay ang kaserola sa apoy at pakuluan ito sa loob ng 20-30 minuto.
  4. Ihanda ang malinis na kumot at balutin ang sarili sa pamamagitan ng pagsuot ng jogging pants, jacket at medyas maglagay rin bonet sa ulo.
  5. Kapag kumulo na ang iyong mga sangkap ilagay ito sa iyong kwarto.
  6. Balutin ng kumot ang katawan kasama ang kaserola, mag-ingat lamang at baka mapaso.
  7. Buksan ng kalati ang takip ng kaserola at singhutin ang usok na lalabas rito.
  8. Kapag hindi na gaano kainit ang pinakuluan tanggalin na ang takip at patuloy ang pagsuob hanggang magpawis ang iyong katawan.
  9. Pagkatapos gawin ang paraang ito magpalit ng damit

Sa paraang ito makakaramdam ka ng magaan sa iyong pakiramdam at malulunasan ang masama na pakiramdam dulot ng mga nasabing kundisyon.




 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *