Narito Ang Mga Bagay na Hindi Pwede Gawin Ng Babae Kapag Siya ay May Buwanang Dalaw o Menstruation

Girls pamilyar ba kayo sa mga bagay na hindi niyo pwedeng gawin kapag kayo ay nireregla? Mahalagang pinangangalagaan niyo ang inyong malusog na ari pang mailayo kayo sa sakit at kapahamakan na maaaring maidulot ng pagpapabaya mo sa iyong kalinisan. Narito ang ilang bagay na hindi niyo dapat ginagawa kapag kayo ay may mens o nireregla.




Mga Bagay na Hindi Dapat Ginagawa Ng Babae Kapag Siya Ay Nireregla

Wag Ibabad Ang Sanitary Napkin

May ibang babae na may kaugalian na binabad ang ari sa iisang napkin lamang sa loob ng buong araw. Ang kaugalian na ito ay hindi maganda dahil maaari itong pagmulan ng iritasyon sa ari ng babae. Para maiwasan ito magpalit ng napkin kada 3 hanggang limang oras depende sa lakas ng dugo na lumalabas sa iyong ari.

Huwag Pagurin Ang Katawan

Kapag ang isang babae ay nireregla apektado ang buong katawan nito kaya naman pati ang mood ay nag-iiba. Wag na subukan pang gumawa ng mga bagay na mabibigat na magdudulot ng pagkapagod sa iyong katawan.




Iwasan Ang Magpabunot o Magbunot Ng Buhok Sa Anumang Parte ng Iyong Katawan

Kapag ang babae ay nireregla mas mataas ang tiyansa na makaranas ito ng stress. Kaya nman iwasan muna ang mga bagay na magdudulot ng sakit sa iyong katawan katulad na lamang ng pagpabunot ng ngipin at pagpapawax na maaaring magdagdag pa lalo ng stress sa iyong katawan.

Iwasan Ang Unprotected Sexual Intercourse

Alam niyo ba na posibleng mabuntis ang babae kapag sinubukan niyang makipagtalik ng walang proteksiyon sa kanyang asawa o partner? Para maiwasan ito, huwag makipagtalik habang nireregla dahil maaari ka ring makakuha ng impeksiyon dito.

Huwag Magpagutom

Kapag ikaw ay nireregla iwasan mo ang pagpapalipas ng pagkain dahil mas kailangan ng iyong katawan ang lakas at sustansiya dahil sa dugo na inilalabas ng iyong katawan.

Wag Kumuain Sa Madaling Araw

May ilang babaeng nagkakaroon ng cravings kapag nireregla. Kung maranasan mo man ito sa kalaliman ng gabi matutong kontrolin ang iyong sarili dahil hindi ito magdudulot ng maganda sa iyong katawan at baka makaranas ka pa ng hirap sa panunaw.




Wag Magpupuyat

Iwasan ang pagpupuyat dahil maaari itong makadagdag sa stress na nararanasan ng iyong katawan. Ugaliing matulog ng nasa oras para mapahinga ang sarili.

Huwag Kakain Ng Mga Dairy Products

Alam niyo ba na ang pagkain ng mga dairy products habang kayo ay nireregla ay pwede makadagdag sa pananakit ng iyong puson o menstrual cramps.




 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *