76-Taong Gulang Na Koreanong Ramen Vendor Sa Las Piňas Tutulungang Makauwi Ni Ryan Bang Sa Korea

Ngayong darating na Disyembre, ay pinaplano ng “It’s Showtime” TV host na si Ryan Bang na umuwi sa kanila, sa Korea upang doon sana magdiwang ng pasko kasama ang kanyang pamilya.




Ngunit ito ay hindi na matutuloy, matapos niyang makikilala sa La Piňas ang isang ramen vendor na kapwa niya koreano.

Image Credit via YouTube

Imbis kasi na si Ryan ang uuwi, mas pinili ng “It’s Showtime” host na ang pauwiin na lamang sa Korea ay ang kapwa niya koreano, na nagtitinda ng ramen, dahil sa nais na nitong umuwi sa kanilang bansa, at nasa katandaan na rin ito sa edad nitong 76-taong gulang.

Image Credit via YouTube

Kamakailan nga lamang ay nag-viral sa social media si Jang Sam-hyun, isang South Korean na ramen vendor sa Las Piňas, ito ay dahil sa kanyang naging pagbibigay ng libreng tubig sa mga motorista sa kanilang lugar.

Image Credit via YouTube

Sa pamamagitan ng bagong vlog entry ni Ryan Bang sa YouTube, ay ipinakita ng Tv host ang naging pagpunta niya sa Las Piňas kung nasaan ang South Korean ramen vendor na si Mr. Jang. Ito ay upang personal niyang iabot dito, ang kanyang tulong para sa kababayan.

Image Credit via YouTube

“Nandito po ako ngayon sa Las Piňas City dahil napanood ko po ang isang balita na meron daw dito isang Koreano na 76-years old na nagbebenta ng Ramen sa kalsada. Wala raw siyang pamasahe papunta ng Korea”, ang naging bunga nga ni Ryan sa mga madlang people na nanonood sa kanya.

Image Credit via YouTube

Mapapanood nga sa naturang video na ito ni Ryan Bang, ang naging pag-uusap nila ni Mr. Jang, at kung gaano natuwa ang ramen vendor na makausap ang kababayan. Ikinuwento rin nito kay Ryan, ang mga naging karanasan nito bilang isang ramen vendor sa Las Piňas.

Image Credit via YouTube

“Ngayong pasko, mukhang hindi po ako makakauwi ng Korea, dahil may Showtime pa. ‘Yung pang-uwi ko po ng Korea, ibigay natin sa kanya para tulong-tulong. Kung gusto niya talaga makauwi sa Korea, ibibigay ko na lang sa kanya ‘yung ticket ko”, saad pa nga ng It’s Showtime host.

Makikita nga na isang putting envelop ang ibinigay ni Ryan sa kanyang kababayan na si Mr. Jang, kung saan ang nilalaman nito ay ang pera na pamasahe dapat ni Ryan pauwi sa Korea.

“I wanted to give you money so you can go back home. I wanted to help with buying your plain ticket”, ang sinabi ni Ryan, ngunit sa lenggwaheng Koreano. “Maraming salamat sa lahat ng mga Pilipino na tumulong sa aking kababayan. Maraming salamat sa inyo. Thank you so much “, sambit ni Ryan.

Nagbigay naman ng mensahe si Mr. Jang kay Ryan, gamit ang salitang Koreano, kung saan ay nilalaman nito ang naging pasasalamat niya sa Tv host niyang kababayan.

“Thank you. You’re the first Korean to come. No Korean has ever come to see me. No one has even bought ramen. You’re the only one.”, ang naging saad nga ni Mr. Jang, kung ito’y i-translate sa tagalog.

“I’m 76-years old. If something good happens to me, I will repay these people back for all,the help they gave me”, ang naging dagdag pa ng ramen vendor.

Napag-alaman nga na sa South Korea ang mga kapamilya ni Mr.Jang, at siya ay naririto sa Pilipinas, matapos siyang abutan ng lockdown noong buwan ng Marso. Isang kaibigang Koreano, rin umano ni Mr. Jang, ang tumulong sa kanya, upang makapagsimula ng ramen business, at makahanap ng bahay na pansamantala nitong matutuluyan.

Sa naging usapan pa nga nina Ryan at Mr. Jang, ay napag-alaman ng It’s Showtime Korean host, na napadpad sa Pilipinas si Mr. Jang, 20-taon na ang nakakaraan. Maganda umano ang buhay nito noon, kaya nagagawa nitong magpabalik-balik sa ating bansa.

Video Credit: Ryan Bangs/YouTube

Ngunit may hindi umanong magandang nangyari sa buhay ni Mr. Jang, na naging dahilan upang lahat ng pag-aari nito ay mawala. Kwento pa ni Mr. Jang kay Ryan, dumaan siya sa matinding depresyon noon dahil sa naranasan, kung kaya naisipan niyang tapusin na noon ang sariling buhay.




Sa narinig naman na ito ni Ryan, ay sinabi niya kay Mr. Jang, na hindi ito dapat mag-isip ng mga ganoon na gagawin sa kanyang buhay, dahil mayroon pa itong pamilya na kanyang makakapitan. “Please don’t do that. You still have your family”, ang naging saad ng ani Ryan kay Mr. Jang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *