Isa sa mga pinakamaganda at maamong mukha na aktres nooong dekada 90 ay ang beteranang aktres na si Ana Roces. Dahil sa kanyang napaka-among mukha ay isa nga sa siya sa mga 90’s sweetheart na hinahangaan noon at humakot ng napakaraming mga serye at pelikula sa kanyang naging buong karera sa industriya ng showbiz.
Sa kabila ng kanyang kasikatan, ay nagdesisyon si Ana Roces na iwan ang kanyang karera noong taong 2002, ito ay upang mas bigyang pokus ang kanyang pribadong buhay, kung saan nagkaroon nga siya ng anak sa kanyang naging unang asawa.

Makalipas naman ang dalawang taon, ay inanunsyo niya ang pagtatapos ng pagsasama nila ng kanyang unang asawa. At matapos ang 7-taon na pagpapahinga sa showbiz, ay nagkaroon nga ng siya ng comeback sa industriya.

Kahit nabigo sa relasyon sa kanyang unang naging asawa, sa kasalukyan naman ay masaya ang buhay at puso ni Ana Roces. Siya nga ay muling ikinasal sa kanyang pangalawang asawa, na isang lawyer sa Ilocos Sur, at sila ay biniyayaaan naman ng isang anak.

Samantala, kahit na muli ngang ikinasal ay ipinagpatuloy na ni Ana Roces ang kanyang pag-aartista, at mapapansin nga na nagpatuloy pa rin ang kanyang career life dahil may mga proyekto at endorsements pa rin siyang ginagawa.

Maraming netizens naman ang nakapansin na sa kabila ng edad na ngayon na 44-taong gulang ni Ana Roces ay tila nga hindi kumukupas ang taglay nitong kagandahan. Para pa rin nga itong dalaga hanggang ngayon, base na rin sa kanyang napaka-slim pa rin na pangangatawan na tila nga hindi naranasan ang mabuntis at manganak.

Sa mga throwback photos ni Ana Roces na ibinabahagi niya sa kanyang Instagram account, ay makikita nga na halos walang pinagbago ang kanyang hitsura mula noong kabataan niya, hanggang sa kasalukuyan. Tila nga mas lalo pang gumanda at naging blooming ang aktres.
Ayon naman sa ilang mga ulat, kapag walang trabaho o proyekto ang aktres, ay madalas silang nagta-travel ng kanyang asawa at dalawang anak. Isang bagay na pinagpopokusan ngayon ni Ana sa kanyang buhay ang pamilya niya, lalo na nga ang panganay niyang anak na kasing ganda niya.
Matatandaan na sa ‘comedy film’ na “Alabang Girls” nakilala ng publiko si Ana Roces, kung saan ito nga ay pinagbidahan niya kasama ang komedyanteng si Andrew E. Magmula noon, ay naging madalas na nga ang kanyang pagbibida sa mga pelikula ng Viva Films, at maging sa dalawang TV netwok na GMA at ABS-CBN.