Actor Comedian Host Na Si Joey De Leon Masayang Ipinagdiwang Ang Kanyang 74 Karawan

Noong ika-14 ng Oktubre 2020 ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang beteranong , television host, comedian, actor at songwriter na si Joey De Leon ng kanyang ika-74 taong gulang na niyang kaarawan. Dahil sa 74-taon na ang edad ni Joey De Leon, ay masasabi nga natin na isa na siyang senior citizen.




Ngunit sa kabila ng kanyang edad, ay nanatili pa rin ito sa mga host ngayon ng longest running noontime show tv program ng GMA-7 na Eat Bulaga.

Photo Credit: angpoetnyo/Instagram

Pero dahil nakakaranas ngayon ang ating bansa ng [email protected]@, ay kinailangan ni Joey De Leon na manatili lamang sa kanilang tahanan, dahil ang senior na, na katulad niya ay mas delikado na ang lumabas pa.

Photo Credit: angpoetnyo/Instagram

At madali na silang mahawaan ng sakit na kumakalat ngayon Kahit naman nasa loob lamang ng bahay, ay makakapiling pa rin naman ni Joey and dabarkads, at ito ay sa pamamagitan ng mga online video call.

Photo Credit: angpoetnyo/Instagram

Samantala, makikita naman sa Instagram ng comedian actor-host ang naging pagbati niya sa kanyang sarili noong kanyang kaarawan, kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang larawan na siya ay may katabing cake na ang disenyo ay globo na may iba’t ibang watawat ng mga bansa.

Photo Credit: angpoetnyo/Instagram

Matatandaan rin na noong araw ng kaarawan ni Joey De Leon, ay pinagkanta ito nina Alden, Jose, Pia at iba pang dabarkads ng happy birthday song, kung saan ay ipinagpapasalamat ni Joey ang naging pagbati sa kanya ng kanyang mga kasamahan sa Eat Bulaga.

Photo Credit: angpoetnyo/Instagram

Kasunod nga nito, ay inanunsyo ni Joey sa maraming manonood ng Eat Bulaga, na marami ang makatatanggap ng maagang pamasko ng araw na iyon, dahil sa ang nasabing araw ay kanya mismong kaarawan.

Photo Credit: angpoetnyo/Instagram

Makikita naman sa Facebook page ng Eat Bulaga, ang naging pagbati ng mga fans ni Joey De Leon. “Happy birthday ser joey favorite po naming kayo ng family ko God bless long long life.”




“Happy Birthday Master Henyo dabarkads Joey De Leon. Stay healthy and safe as always. More happy day & blessings to come. Mabuhay.” “Happy birthday to the king comedian in showbiz industry… stay safe.”

Photo Credit: angpoetnyo/Instagram

Matatandaan na si Joey De Leon, ay isa sa mga kauna-unahang naging host ng Eat Bulaga sa naging pagsisimula nito noong taong 1979, kung saan ay kasabay niya sa pagiging host nito ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Chiqui Hollman at Richie D’ Horsie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *