Actor Dancer Wowie De Guzman Ginampanan Ang Pagiging Ama’t Ina Sa Kanyang Anak Na Babae

Batid natin na hindi madali ang responsibilidad ng pagiging isang magulang, dahil ito’y punong-puno ng sakripisyo, pagtitiis, pagmamahal, at pag-aalaga sa iyong magiging anak ngunit magkaganooman ay marami pa rin ang nagnanais na maranasan ito.



Ang pagiging magulang sa mga anak ay magkasamang ginagampanan ng ama at ina, kung saan ay magkatuwang nilang aalagaan, aarugain, at mamahalin ang kanilang mga anak.
Image Credit via Google
Ngunit kahit magkatuwang ang ama at ina sa responsibilidad ng pagiging isang magulang, minsan ay hindi pa rin ito ganun kadali, kaya isipin na lang natin, paano pa kaya ang mga “single parent”, na nag-iisang itinataguyod ang kanilang anak? Gaano kahirap sa kanila ang gampanan ang pagiging isang ama’t ina sa kanilang mga anak?
Image Credit via Google
Isa nga sa mga sikat na personalidad sa showbiz, ang matapang na hinarap ang pagiging isang “single parent” sa buhay, at ito ay ang sikat na dancer-actor noon na si Wowie De Guzman.
Image Credit via Google
Matatandaan na si Wowie De Guzman, ang isa sa pinakasikat na aktor ng kanyang herasyon, kung saan maliban sa pagiging isang aktor ay kilala rin siya bilang isang mahusay na dancer na kabilang sa miyembro ng sikat na dance group, at ito ay ang Universal Motion Dancer na “Streetboys.”
Image Credit via Google
Ilang mga pelikula rin ang kinabibilangan noon ni Wowie, kung saan ay naging katambal niya sa ilang mga pelikula ang aktres na si Judy Ann Santos.
Image Credit via Google
Samantala, sa kabila ng matagumpay na karera sa industriya ng showbiz, ay iniwan ng dancer-actor ang kanyang karera, upang bumuo na ng kanyang sariling pamilya.
Si Wowie ay ikinasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Sheryl Ann, at silang mag-asawa ay biniyayaan ng isang napakagandang anak na babae.
Image Credit via Google
Ngunit sadyang hindi natin masasabi ang buhay ng isang tao ay laging puno ng saya, dahil isang buwan matapos magsilang ni Sheryl Ann sa kanilang anak ni Wowie De Guzman, ay binawian naman ito ng buhay.
Image Credit via Google
Taong 2014 ng pumanaw ang misis ni Wowie De Guzman, at magmula noon ay matapang na hinarap ng aktor ang pagiging isang single parent sa anak niyang babae.
Halos anim na taon narin ang lumipas, mula ng pumanaw ang misis ng aktor, at marami sa atin ang nais malaman kung kamusta na ito ngayon?
Image Credit via Google
Sa isang panayam kay Wowie, ay ibinahagi nito ang naging buhay niya sa loob ng anim na taon, mula ng pumanaw ang kanyang asawa at maging isang single parent sa anak nila.
“Super, I’m thankful na sobrang daming blessing, especially sa career. Hindi ako masyadong visible sa Tv, pero sobra iyong mga trabahong dumating sa akin bilang isang dancer.”
Image Credit via Google
Ayon pa kay Wowie, sa pagpanaw ng kanyang asawa noong 2014 ay nangako siya na hinding-hindi niya pababayaan ang anak na naiwan sa kanya, at hindi niya ito ipagpapalit sa kahit sino pa man.
Ibinahagi rin ni Wowie, na kahit isang single parent na siya, ay hindi naman naging masyadong mahirap sa kanya ang itaguyod ang kanyang anak, ito ay dahil sa buo ang suporta na natatanggap niya sa kanyang pamilya at maging sa in-laws niya.
“Of course, I would know little about raising a child since this is my first. But I have a big support system – my family and hers. God would not have left me with this task if He didn’t think I’d measure up.” Kwento pa ni Wowie, malaki ang naitulong sa kanya ng kanyang in-laws sa pag-aalaga sa kanyang anak.
“Hindi siya masyadong mahirap kasi nandyan mga in-laws ko. Of course, hindi nila pinapabayaan ang anak ko. Lalo na ngayon na sobrang busy ko, hindi ko magagawa ang ginagawa ko ngayon kung wala sila… So far, so good. Mahirap siya, but because of them, mas mapapadali ang lahat.”



Makikita naman sa mga larawan ni Wowie at ng kanyang anim na taong gulang ng anak ngayon na si Rafaella, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.
Para nga sa aktor, si Rafaella ang isa sa pinakamalaking dahilan niya para patuloy na mabuhay at harapin ang buhay sa kabila ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
Sa ngayon, maliban sa pagiging isang responsible at mapagmahal namagulang sa kanyang anak, ay matagumpay at abala rin si Wowie sa pagiging isang Zumba dance instructor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *