Actor-Host Luis Manzano Pabirong Ikinumpara Ang Hitsura Sa Kanyang Mga Magulang

Madalas nating naririnig sa mga tao ang pagkumpara sa isang anak sa kanyang mga magulang, lalo na kung nakikita ng mga ito, na mayroong malaking pagkakahawig ang anak sa kanyang ina o ama. At kung mayroon nga ay tiyak na mababanggit nila ang katagang “parang pinagbiyak na bunga.”




Lagi rin nating naririnig ang katanungan na sino ang kamukha ng anak, ang kanya bang ina o ama? At kanino ito namana ang kanyang kagandahan o kagwapuhan?

Photo Credit: luckymanzano/Instagram

Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang sikat at gwapong aktor sa showbiz, ang batikang host na si Luis Manzano, na kamakailan nga lamang ay nagbahagi ng mga throwback photo ng kanyang mga magulang sa kanyang Instagram.

Photo Credit: luckymanzano/Instagram

Batid natin na ang mga magulang niya, ay parehong kilala at naging popular sa industriya ng show business. Ang kanyang ama ay ang kilala ring batikang host at mahusay na aktor na si Edu Manzano, at ang kanyang ina naman ay ang tinaguriang Star For All Season ng showbiz na si Vilma Santos.

Photo Credit: luckymanzano/Instagram

Dahil sa ang teknolohiya ng mga panahong iyon ay hindi pa ganoon kaganda ng tulad ng sa ngayon, ay mapapansin nga natin sa larawang ibinahagi ni Luis na ‘black and white photo’ pa ito.

Photo Credit: luckymanzano/Instagram

Matatandaan na isa sa mga tambalang nagpakilig sa marami noon sina Edu Manzano at Vilma Santos, mapa-off cam o on-cam man.

Photo Credit: luckymanzano/Instagram

Tulad ng ibang mga artista, ay naging totohanan din ang relasyon ng mga magulang ni Luis Manzano, kaya naman nagkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng mga ito, at ito nga ay walang iba kundi siya, na binigyang palayaw ng mga ito na “Lucky.

Photo Credit: luckymanzano/Instagram

Samantala, kung babalikan naman natin ang mga larawan na ibinahagi ni Luis sa kanyang IG account, ay makikita nang tinakpan niya ito ng caption na nakapag-paalis sa mga netizens.

Photo Credit: luckymanzano/Instagram

Saad nga ni Luis sa nasabing caption, maganda naman ang kanyang ina at ang kanyang ama ay gwapo naman, ngunit bakit tila ang lumabas na resulta ay hindi naging maganda.
Sa kabila nito,




kung pagmamasdan naman nating lahat si Luis Manzano ay may angking kagwapuhan rin ito, at mapapansin din na ang hitsura nito ay tila kumbinasyon talaga ng mga hitsura ng kanyang mga magulang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *