Kilalanin Ang Mga Actress Na May Pinakamaganda At Pinakamamahaling Suot-Suot Na Engagement Ring

Sa taong 2020, ay marami ngang mga aktres, ang nagbigay update sa kanilang buhay pag-ibig, kung saan ilan sa kanila ay magne-next level na sa kanilang relasyon, at handa ng pasukin ang pag-aasawa. Ilan ngang mga celebrity, ang na-engaged ngayon sa kani-kanilang mga karelasyon, na asahang ang kasalan ay magaganap na sa isang taon.




Samantala, pinag-uusapan naman ngayon ay ang ilang mga artista, na ang suot suot na engagement ring ay super ganda, at talagang mamahalin.

Narito nga ang ilan sa mga artista, na ang engagement ring ay talagang super ganda, at mayroong milyones na halaga.

Marian Rivera

Photo Credit:marianrivera/Instagram

Nangunguna nga sa listahan ay ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera, na may suot suot na dalawang mamahaling engagement ring, dahil sa dalawang beses itong na-engage sa asawa niyang si Dingdong Dantes.

Ang unang engagement ring ni Marian, ay mayroong bigat na 2.13 karat emerald cut diamond, at ang ikalawa naman ay may bigat na 2.48 karat.

Anne Curtis

Photo Credit:annecurtissmith/Instagram

Taong 2016, ng ma-engaged ang It’s Showtime host na si Anne Curtis sa kanyang asawang si Erwan Heusaff, at ito ay naganap habang nasa USA silang dalawa.

Napakasimple tingan ng engagement ring ni Anne na isang round brilliant cut diamond na may prong setting on platinum band, ngunit sa kabila nito, ay napaka-classy nito sa daliri ng actress-host.

Sarah Lahbati

Photo Credit:sarahlahbati/Instagram

Limang taon ang hinintay ng aktres na si Sarah Lahbati, bago pa man nag-propose sa kanya si Richard Gutierrez. Ngunit ang kanyang paghihintay ay talaga namang “worth it”, dahil sa isang napaka-romatic ang ginawang proposal ng aktor sa kanya, noong ito ay mag-propose na.

Ang engagement ring ni Sarah ay isang halo set ng diamond ring na hindi baba sa 2 karat, at ang halaga bawat karat ay aabot sa 255,000 hanggang 2.44 milyon.
Bago pa man ang engagement ring, ay binigyan na rin siya noon ni Richard ng singsing, at ito ay isang “promise ring.”

Toni Gonzaga

Photo Credit:tonigonzagaofficial/Instagram

Taong 2004 pa lamang ay inalok na si Toni Gonzaga ng kanyang napangasawang si Paul Soriano ng kasal, ngunit ito ay tinanggihan niya, dahil ng mga panahong iyon ay hindi pa siya handang mag-asawa. Kaya naman ng mag-propose si Paul kay Toni noong 2016, sa mismong araw ng kaarawan ng aktres, ay kabado talaga siya, dahil baka tanggihan siya nitong muli.

Nang sagutin ng ani Toni ng “yes” ang wedding proposal sa kanya ni Paul, ay agad naging usap-usapan noon ang kanyang engagement ring, dahil sa ito ay mula pa pala sa bansang Israel, ang bansang gustong-gusto puntahan ni Toni.

May bigat na 1.5 karat solitaire ang naturang engagement ring, at nagkakahalaga ng 2-milyong piso.

Jessy Mendiola

Photo Credit:senorita_jessy/Instagram

Noon lamang nakaraang ika-12 ng Disyembre 2020 ng ma-engaged ang aktres, sa kanyang boyfriend na si Luis Manzano, kung saan sa social media, ay ibinahagi ng dalawa, ang mga larawan na kuha sa kanilang engagement.

Ang engagement ring na ito na ibinigay ni Luis kay Jessy, ay may bigat na 3-4 karat D color diamond, na ang halaga ay aabot sa 5-milyong piso.

Angel Locsin

Photo Credit:therealangellocsin/Instagram

Ginulat na lamang ni Angel Locsin ang kanyang mga tagahanga, na siya ay engage na sa kanyang nobyong si Neil Arce, noong ika-29 ng Hunyo taong 2019.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account, ang larawan ng kanyang daliri, kung saan makikita ang kanyang napakagandang engagement ring.

Pauleen Luna

Photo Credit:pauleenlunasotto/Instagram

Ang ibinigay na engagement ring ni Vic Sotto sa kanyang asawang si Pauleen Luna, ay isang singsing na may bigat na 3 karat diamond solitaire, at ang halaga ay umaabot sa 1.5 milyong piso. Ito ay binili pa umano sa bansang Hongkong.




Heart Evangelista

Photo Credit:iamhearte/Instagram

August 2014 ng ma-engaged si Heart Evangelista kay Senator Chiz Excudero. 2 karat heart shaped diamond solitaire ring na pamana pa mula sa in ani Sen. Chiz, ang natanggap na engagement ring ni Heart mula rito.Ang dalawa ay ikinasal sa Balisin Island Resort Cloud.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *