Actress Vlogger Na Si Ivana Alawi Nais Makita At Mas Makilala Ang Napakagwapong Prinsipe Ng Brunei

Isa sa mga hinahangaan at iniidolo ngayon ng marami hindi lang sa kanyang taglay na kagandahan kundi pati na rin sa kanyang kabutihan ay ang actress-vlogger na si Ivana Alawi.




Si Ivana Alawi ay may lahing Filipina-Morocan, ang kanyang ina ay isang Filipina samantalang Moroccan naman ang kanyang yuma0 ng ama. Ang kanyang taglay na kagandahan ay talaga namang hinahangaan at pinapantsya ng marami, kaya naman maging ang gwapong prinsipe ng bansang Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah ay hinahangaan rin ang Pinay actress-vlogger.

Image Credit via Google

Dahil nga sa kanyang nakakahangang kagandahan ay binasagan na ‘crush ng bayan’ si Ivana. Umarangkada rin agad ang mga video vlogs na kanyang ginawa sa YouTube, kung saan ngayon nga ay milyon milyon na ang mga subscribers niya, dahil maliban sa ganda at kabutihan niya, ay talaga namang nakaka-aliw at puno ng inspirasyon ang mga vlogs niya.

Image Credit via Google

Samantala, sa kabila naman ng taglay na kagandahan at mabuting personalidad ni Ivana, ay ipinagtataka naman ng marami kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ring nobyo ang napakagandang actress-vlogger.

Image Credit via Google

Matatandaan na sa isang panayam noon kay Ivana ay ibinahagi niya kung bakit hanggang ngayon nga ay wala pa rin siyang karelasyon, sa kabila ng napakaraming mga binata ang nagkakainteres na ligawan siya. Ayon nga kay Ivana, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikilala ang lalaking masasabi niya na magiging karapatdapat sa kanya.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Isa naman sa mga nabighani sa kagandahan ni Ivana ay ang napakagwapong prinsipe ng Brunei na si Prince Abdul Mateen Bolkiah. Siya ay ipinanganak noong ika-10 ng Agosto taong 1991 at anak ng Datu ng nasabing bansa, na si Datu Sultan Hassnal Bolkiah sa pangalawang asawa nito na si Puan Hajan Maryam.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Si Prince Abdul Mateen ay nakapagtapos sa Unibersidad ng London ng master’s degree sa International Study and Diplomacy. Dahil naman nasa tamang edad na ang prinsipe ng Brunei, ay naghahanap na nga ito ng kanyang mapapangasawa na kanyang makakasama habang buhay.

Photo Credit: ivanaalawi/Instagram

Pag amin naman ni rince Abdul Mateen, ang Pinay actress-vlogger na si Ivana ang isa sa kanyang mga hinahangaang dalaga na labis niyang lubusan na makilala.

Ayon sa ilang mga ulat, si Prince Abdul Mateen ay madalas na nanonood ang mga video ni Ivana, at dahil nga rito ay mas lalo pa siyang humahanga sa dalagang Pinay. Usap-usapan naman sa social media ang di umanoy panliligaw ng prinsipe kay Ivana,




na tila naman hindi imposibleng mangyari sapagka’t kung gugustuhin ng prinsipe ay maari talaga nitong bisitahin si Ivana sa bansa gamit ang kanyng private plane.
Ang tanong naman ng marami, makuha nga kaya ng prinsipe ang matamis na ‘oo’ ni Ivana Alawi?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *