Agaw Pansin Ang Isang Pinay Cheerleader Na Miyembro Ng Los Angeles Clippers Dahil sa Angking Ganda At Galing Sa Pagsasayaw

Ilang beses na ngang napatunayan na ang mga Pinoy, ay may kakaibang galing at talento , na talagang maipagmamalaki kahit saan mang lugar o bansa. Marami na nga tayong mga kababayan na pinatunayan ang husay ng isang Pinoy, sa iba’t ibang mga larangan, patimpalak o paligsahan.




Ilan sa mga Pinoy na talaga namang kilalang-kilala sa buong mundo dahil sa naging pagpapakita nila ng kanilang husay at galing, ay sina Manny Pacquiao, na naging sikat sa kahusayan niya sa boksing.

Image Credit via Google

Si Lea Salonga at Gary Valenciano, na kilala naman pagdating sa larangan ng pag-awit at musika, at sina Miss Universe Pia Wurtzbach at Catriona Gray, na nakikilala naman sa larangan ng pageantry.

Image Credit via Google

Samantala, ngayon ay isang Pinoy naman ang muling namayagpag at nakilala dahil sa kanyang husay sa pagsasayaw, sa bansang Amerika. Kung saan dahil sa kanyang angking husay sa pagiging mananayaw, ay miyembro na siya ngayon ng pinakasikat na cheerleading level sa buong mundo.

Image Credit via Google

Ang dalagang Pinay ngang ito ay kinilalang si Kyla Fajardo, 20-taong gulang, tubong malolos, Bulacan ngunit ngayon ay naninirahan na sa Carson City, California kung saan nagsimula ang kanyang karera sa pagiging isang mananayaw.

Image Credit via Google

Ayon kay Kyla, 11-taong gulang pa lamang siya ng magsimula ang kanyang hilig sa pagsasayaw, kaya naman sa tagal niya ng sumasayaw ay nawala na siya, kaya naman ngayong 20-taong gulang na siya ay isa na siyang ganap na dance instructor sa isang Torrance based studio sa California.

Image Credit via Google

Dahil rin sa kanyang taglay na husay, ay naging miyembro siya ng Los Angeles Cheerleading Dance Group, kung saan kamakailan lamang ay naging agaw pansin siya sa NBA court, noong sila ay mag perform.

Image Credit via Google

Ito ay dahil maliban sa angking husay niya sa pagsasayaw, ay naging agaw-pansin sa mga manonood ang kanyang kulay asul na buhok, na mas lalo ring nagpatingkad ng angkin niyang kagandahan.

Image Credit via Google

Si Kayla din umano ang pinakabatang miyembro ng Cheerleading Dance Team ng LA Clippers, kaya naman talagang “proud” ang dalaga na at ipinagpapasalamat ang opportunidad na ito sa kanyang buhay.




Hindi naman madali ang makapasok at maging miyembro ng naturang team, dahil sa matinding screening at pagpili ang ginagawa, sapagka’t ang NBA sports kung saan sila nagpe-perform ay isa sa mga prestihiyosong kaganapan na inaabangan ng maraming manonood sa buong mundo.

Nakaka-proud nga naman na isa na namang kababayan nating Pilipino, ang naging matagumpay sa larangan ng pagsasayaw sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *