Agaw Pansin Ang Kulay Light Gray Na Mata Ng Napaka Cute Na Bunsong Anak Ni Diana Zubiri

Noong dekada 90 ay isa ang aktres na si Diana Zubiri sa talaga namang maituturing na pantasya ng bayan dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan. Dahil nga sa kahanga-hangang ganda at hubog ng kanyang katawan, at ganda ng kanyang hitsura ay madalas siyang mapabilang sa Top 100 ng FHM.




Si Diana Zubiri ay kilala ng kanyang pamilya sa kanyang tunay na pangalan na Rosemari Joy Garcia-Smith. Siya ay 36-taong gulang na aktres na talaga namang sa simula pa lamang ng kanyang karera ay ipinamalas na niya ang kanyang husay sa pag-arte.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Ang showbiz career ni Diana Zubiri ay nagsimula noong siya ay nasa edad 15 lamang, matapos siyang madiskubre pagkagaling niya sa Japan kung saan siya nagtrabaho noon.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Matatandaan pa nga na ang mga kauna-unahang roles na kanyang ginampanan sa mga pelikula ay sexy roles, kung saan dahil nga sa talaga namang napakaganda at seksi niya ay agad naman itong pumatok sa maraming mga manonood.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Matapos naman ang ilang taon niyang pagpapaseksi sa mga pelikula, noong taong 2005 ay tuluyan na ngang iniwan ni Diana Zubiri ang kanyang mga seksi roles, at mas pinili na mas maging isang mahusay na aktres sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Sa GMA Network nagsimulang maging matunog ang pangalan ni Diana Zubiri, ngunit mas nakilala pa siya ng publiko ng mapabilang siya sa “Encantadia”, isang fantaserye na umere noon sa nasabing network kung saan ay nakasama niya ang ilan sa mahuhusay ding aktres na sina Karylle, Iza Calzado at Sunshine Dizon. Dito nga ay mas lalo pa niyang ipinamalas ang kanyang galing sa pag-arte.

Photo Credit: dianazubirismith/Instagram

Pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig, ay natagpuan ni Diana ang kabiyak ng kanyang puso sa katauhan ni Alex Lopez, ang kanyang dating asawa. Maaga namang nabyuda ang aktres,

dahilan upang ang kanilang pagsasama ay tumagal lamang ng halos dalawang taon. Sa kabila nito ay nabiyayaan naman sila ng isang anak, at ito nga ay si Joaquin Achilles na nasa pangangalaga ni Diana.

Sa kabila naman ng naging maagang pagkabyuda ni Diana, ay hindi naman isinara ng aktres ang kanyang puso. Dahil muli siyang umibig, at sa pagkakataon ngang ito ay sa katauhan naman ng Filipino-Autrallian businessman-model na si Andy Smith,

na ngayon nga ay kanya ng asawa. Ayon sa ulat, nung una ay gusto ng aktres ang binata na nakilala niya lamang sa isang blindate.

Tila naman talagang si Andy ang nakatadhana para maging katuwang ng aktres sa kanyang buhay. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila, at ito nga ay sa programang “It’s Showtime”.

Matapos nga ng kanilang muling pagtatagpo, ay hindi na ito pinalammpas pa ni Andy at tuluyan ngang niligawan ang aktres para patunayan dito ang kanyang pagmamahal. Hindi nga nagtagal ay nahulog din ang loob ni Diana kay Andy, hanggang sa mauwi na nga sa pag-iisang dibdib ang pagmamahalan nilang dalawa. Sila ay ikinasal noong taong 2015 , na ginanap sa Quezon City.




Biniyayaan na rin naman ng dalawang supling ang mahigit limang taon na ring pagsasama at pagmamahalan ng mag-asawa. Ang kanilang dalawang anak ay panay babae, kung saan ang panganay nila ay si Alliya Rose at si Amira Jade naman ang bunso.

Hindi isinapubliko ng mag-asawa ang naging pagbubuntis ni Diana sa ikalawa nilang anak na si Amira Jade, ito ay dahil sa naging maselan ang aktres ng ipinagbubuntis niya ito. Naging emosyonal naman ang asawa niyang si Andy ng isilang na si Amira Jade.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *