Agaw-Pansin Ang Naging ‘Superb’ Transformation Ni Mika Dela Cruz Mula Sa Pagiging Isang Kyut Bulilit Star

Isa sa mga young star ngayon sa Philippine showbiz industry na talaga namang pinaka-hinahangaan at sinusubaybayan ng marami, lalo na ng mga ‘teen’ ay ang young star na si Mika Dela Cruz.




Matatandaan na pinasok niya ang mundo ng showbiz ng maging kalahok siya ng kiddie artists search reality show na ‘Star Circle Quest’. Ngunit batid nga ng marami, na bago pa man makilala sa showbiz si Mika, ay nakilala muna itong ang napaka-kyut na kapatid ng aktres na si Angelika Dela Cruz.

Photo Credit: mikadlacruz/Instagram

Samantala, ngayon nga ay hindi lamang ang pagiging isang artista ni Mika ang hinahangaan sa kanya ng marami niyang mga tagasubaybay, dahil maging ang kanyang ‘feed goals’ ay hinahangaan sa kanya.

Photo Credit: mikadlacruz/Instagram

Nito nga lamang nakaraan ay naging agaw-pansin sa kanyang mga tagasubaybay ang naging ‘mature look yet stunning’ niyang awra habang sa kanyang ineendorso ang isang clothing brand.

Photo Credit: mikadlacruz/Instagram

Makikita nga sa social media post ng 20-taong gulang na young star ang naging pagbabahagi niya ng kanyang mga ‘latest photos’ na kuha nga sa naging shoot niya sa ineendorso niyang damit, ang Apartment8 clothing’s new collection.

Photo Credit: mikadlacruz/Instagram

Ayon sa naging ulat, sa bansang Singapore kinunan ang nasabing shoot, kung saan ay kasama nga ng aktres ang kanyang mga co-endorser at Kapuso talent na si Julie Anne San Jose.

Photo Credit: mikadlacruz/Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ay nakasuot si Mika ng kasuotan na para sa mga mas may edad sa kanya, ngunit sa kabila nito ay bagay na bagay naman young star ang mga kasuotan niyang ito, kaya naman umani ito ng papuri mula sa kanyang mga tagasubaybay.
Ilan nga sa mga larawan ni Mika ay nagpapakita ng kanyang ‘chic office looks’ at ang iba naman ay nakasuot siya ng ‘classy dress’.

Tunay namang napakaganda at bagay na bagay sa young star ang mga kasuotan niya sa nasabing shoot, at marami nga ang talagang nagnanais na makabili ng mga kasuotan na isinuot ng aktres para namang makapag-awra din sila kagaya ng pag-awra ni Mika.




Sa pagsubaybay naman sa Instagram account ng Apartment 8 clothing ay makikita na ang local brand clothing ay naka-pokus ngayon sa mga ‘nude shades’ na mga kasuotan, na maaring bumagay sa kahit anong uri ng balat mayroon ang isang tao. Kaya naman ang mga ito ay bagay sa ‘fair-skinned’ kagaya ng kay Mika Dela Cruz o kaya naman ay sa kulay ng balat ni Julie Anne San Jose na ‘morena’.

Leave a Reply

Your email address will not be published.