Agaw Pansin Sa Kagandahan Ang Dalawang Anak Na Babae Ni Ronnie Ricketts

Nakilala ng publiko bilang isang mahusay na aktor na kadalasang pinagbibidahan ay mga action movies si Ronnie Ricketts o sa tunay na buhay ay si Ronaldo Naldo Rickettes. Maliban pa sa pagiging kilalang aktor ay isa rin siyang line producer, film director at scripwriter.




Ayon pa sa mga ulat dati rin siyang Presidente ng Philippine Film Actors Guild at Chairman ng Optical Media Board, Philippines. Isa rin siyang mahusay na martial artist.

Taong 1993 sa simbahan ng San Antonio Church sa mat Forbes Park at ika-18 ng Disyembre ng siya ay ikinasal sa isang aktres at singer na si Mariz. Maliban pa sa pagiging mag-asawa ng dalawa, ay naging mag business partners rin umano ang mga ito.

Biniyayaan naman ng dalawang anak ang mag-asawa, na panay mga babae na parehong nagtataglay ng napakagagandang mukha, at ito nga sina Marella Rosabelle at Raechelle Marie.

Si Raechelle Marie ay ang bunsong anak ng mag-asawang Ronnie at Mariz, at kamakailan nga lamang ay naging agaw-pansin ito sa social media dahil mga larawan nito sa kanyang Instagram account na talaga namang makikita ang taglay nitong kagandahan na nakabibighani nga naman.

Makikita sa mga larawan ng dalaga na naka-post sa Instagram account nito na isa sa kanyang mga hilig ay ang magtungo sa mga beaches upang magtampisaw, kung saan siya nga ay nagsusuot ng mga beach attire kagaya na lamang ng swimsuits na nagpapalitaw naman lalo ng kanyang angking ganda, hindi lang sa mukha kundi maging ang kanyang katawan ay kaakit-akit rin ang taglay na natural na kurba.

Kagaya ng kanyang ama ay mahilig din sa sports at mag-workout sa gym si Raechelle Marie kaya naman makikita rin sa kanyang mga larawan ang pagiging fit ng kanyang katawan.

Hindi rin naman nagpapahuli sa kagandahan at kaseksihan ang panganay na anak ni Ronnie Ricketts na si Marella. Dahil kagaya ni Raechelle ay nagtataglay ray rin ito ng napakagandang mukha at seksing pangangatawan.

Samantala, si Marella ay tila isang pribadong tao dahil walang masyadong impormasyon na makikita sa social media nito. Ayon naman sa ibang mga ulat ang bunsong anak nina Ronnie at Mariz na si Raechelle, sa ngayon ay abala sa bagong proyekto nito.

Ito ay bibida sa isang pulikula kung saan ay ipapakita ang tunay na buhay ng isa sa mga popular a doktor at public servant na si Dr. Willie Ong. Gagampanan umano ni Raechelle ang karakter bilang ang batang Doc Liza, ang maybahay nga ni Doc Willie. Ang ina naman umano niyang si Mariz, ang gaganap bilang matandang bersyon ni Dr. Liza sa nasabing pelikula.

Makakasama rin nila sa pelikulang ito si Hero Angeles, na siya namang gaganap bilang ang batang bersyon ni Dr. Willie Ong.




Ipapalabas na sa susunod na taon ang nasabing pelikula, at ang kikitain nga nito ay mapupunta sa mga taong nangangailangan ng medical na atensyon, lalo na nga sa mga kababayan nating kapus-palad.

Maituturing naman ang pelikulang ito bilang isang proyekto ng pamilya Ricketts dahil ito ay nasa ilalim ng direksyon ni Ronnie Ricketts.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *