Agaw Pansin Sa Mga Netizens Ang Isang Amang Dala-Dala Ang Maliit Niyang Anak Habang Naghahanap Buhay Sa Pagtitinda Ng Lobo

Hindi nga mapapantayan ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Kaya naman kahit ang iba sa atin ay hirap at pagod na sa maghapong paghahanap buhay upang maitaguyod ang pamilya, ay naglalaan pa rin ng oras ang mga magulang para alagaan ang kanilang mga anak.




At ngayon nga ay muli tayong makakatunghay ng kwento ng isang magulang, na sa kabila ng paghahanap buhay ay hindi inda ang pagod at nakakayanan pa ring isabay ang pag-aalaga sa kanyang maliit na anak.

Image Credit via Google

Ayon nga sa ulat, nag-viral ang kwentong ito ng mag-ama, ng isang netizens na nakakita sa kanila ang kinunan sila ng larawan, at ito ay ini-upload sa kanyang Facebook, dahil umano sa labis na pagka-awa niya sa kalagayan ng mag-ama, at baka maging daan ang social media upang may magpa-abot ng tulong sa mga ito.

Image Credit via Google

Kinilala nga ang netizens na ito na si Jandale Gacasa Forrester, na nakakita sa isang ama na nagtitinda ng lobo habang kasa-kasama ang kanyang maliit na anak, sa kabila ng init ng araw o minsan pa nga ay umuulan ulan.

Narito nga ang naging pagbabahagi ni Jandale sa kanyang Facebook post;
“Di ko alam pero subra akong nahabag kay tatay.. bukod sa nagtitinda sya kasama nya pa anak niya! God bless you tay msyado nyo sinaktan ang puso ko [red heart emoji] mag-iingat po kayo at ang anak nyo!

Di nyo alintana ang panganib pero nagsusumikap kayong itaguyod anak nyo [crying emoji] sobra akong naiyak [heart emoji, praying hand, horray hand emoji] GOD BLESS YOU PO PLEASE PA SHARE NAMAN PO”

“May tatlo siyang anak Sabi nya sa akin taga cavite daw sya! Wala pa syang Benta KAYA nagpahinga daw muna sila kasi sobrang inaantok ang Bata [crying emoji] God bless you tay Buhusan nawa kayo ng madaming biyaya ni Jesus name AMEN [praying hand emoji].

Base nga sa naging pagbabahagi ni Jandale, noong araw na makita niya ang amang nagtitinda ng lobo, ay dala-dala nito ang kanyang maliit na anak, na tila pagod na pagod na ang mga ito, kaya naman saglit na nagpahinga muna sa paglalako ng lobo.

Sa pagkakataong ito, ay nagawa niyang lapitan ang mag-ama, at dito nga niya napag-alaman na wala pa itong benta sa mga oras na iyon at kaya sila’y nagpahinga dahil sa antok na ang kanyang anak, at ito nga ay nakatulog na.




Napag-alaman rin ni Jandale, na taga Cavite si tatay, at tatlo ang anak nitong kanyang binubuhay. Lubos nga talaga ang sakripisyo ng isang magulang, dahil sa nakita nating kalagayan ni tatay, ay masasabi natin na napakahirap ng kalagayan nilang mag-ama.

Marahil nga ay walang ibang mag-aaruga sa kanyang maliit na anak, kaya nagagawa niya na lamang itong isama sa kanyang paglalako ng lbo, kahit pa nga ba nakakpagod ito.
Narito naman ang mga naging maramdaming reaksyon ng mga netizens ng makita ang viral photo na ito ng mag-ama na ibinahagi ni Jandale.

“may awa po ang Panginoon pagpalain po kayo tiwala lang Laban lang.” “Ingat po kayo lagi ng anak nyo tay, Sana makabenta ka araw-araw” “Napakasakit tingnan ang kalagayan ni tatay dala dala pa nya ang anak habang nagtinda siya lagi Nyo po siya ingatan God, lalo na yung bata”

Nawa nga sa naging pagbabahagi na ito ni Jandale ng kalagayan ng mag-ama, ay may mga taong mahabag at magawang tulungan ang mga ito, sa kahit maliit at simpleng pamamaraan lamang na kanilang makakayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *