Kilalanin Ang Napabalitang Lovelife Ni Momshie Karla Estrada

Pagdating sa Love o Pag-ibig, ay maraming isinasaalang-alang ang marami sa atin. Ang iba ay depende sa looks at attitudes, may iba naman na kahit hindi masyadong gwapo basta mabait at loyal, ngunit may ilan naman na isinasaalang-alang ang edad.

Image Credit via Google

Ano sa tinging niyo? Kailangan bang pagdating sa pag-ibig, dapat isaalang alang ang edad? Kung masyado bang bata o matanda ito para sa iyo.




Isang kilalang aktres ang muling magpapatunay sa atin na hindi totoo na kailangan pag basehan ang edad pagdating sa pag-ibig, at ito ay walang iba kundi ang Magandang Buhay host na si Momshie Karla.

Image Credit via Google

Si Momshie Karla, ay isang kilalang aktres, singer at host ng Kapamilya Network. Sa ngayon ay patuloy natin siyang mapapanood bilang isa sa mga host ng “Magandang Buhay” show sa Kapamilya Network na mapapanood tuwing umaga.

Image Credit via Google

Sa “Magandang Buhay” show ay kasama ni Momshie Karla bilang host sina Momshie Jolina Magdangal at Momshie Melai Francisco, na kung saan maliban sa mabuti nilang pagsasama bilang magkaibigan ay tila mag kapamilya na rin ang turingan nilang tatlo.

Image Credit via Google

Ang kanilang show ay madalas na tumatalakay sa buhay ng mga artista, ngunit ngayon ay ang buhay pag-ibig ni Momshie Karla ang ating tatalakayin.

Image Credit via Google

Marami sa atin, ang nakaka-alam na noon ay hindi naging maganda at maayos ang buhay pag-ibig ni Momshie Karla.Alam din ng marami sa atin na siya ang ina ng isa sa pinakasikat na teen actor ngayon at itinuturing na “teen King” na si Daniel Padilla.

Image Credit via Google

Dahil sa pag-aalaga niya at buong buhay na pagbibigay ng oras niya noon sa kanyang mga anak, ay tila nawalan ng oras si Momshie Karla sa kanyang lovelife, ngunit ngayon na malaki na ang kanyang mga anakshie ay tila napapanahon na nga upang muling magbloom ang buhay pag-ibig ni Momshie Karla.

Image Credit via Google

Base sa mga SocMed post ni Momshie Karla, ay nagbakasyon siya sa Coron Palawan kasama ang kanyang mga kaibigan at isang guy na sinasabing rumored boyfriend ni Karla Estrada.

Image Credit via Google

Ang tinutukoy na rumored boyfriend umano ni Momshie Karla ay hindi isang showbiz personality, ngunit makikita sa mga larawan ang closeness ng dalawa at tila ay sweet sa isa’t isa. Hindi rin naman maikakaila ng ating mga netizens ang pagiging matipuno at gwapito ng sinasabing lalaki.




Mapapansin rin sa larawan na ang lalaki ay mas bata ang edad kaysa \kay Momshie Karla.
Ngayon, ay usap-usapan na nga sa social media si Momshie Karla at ang rumored boyfriend nito at ilang mga kaibigan na rin niyang artista ang nagbibigay ng komento ng kanilang pagbati para sa masayang lovelife ni Momshie Karla.

Tunay nga naman na “Age Doesn’t Matter” pagdating sa pag-ibig at hindi kailangang husgahan ang dalawang taong nag-iibigan sa kabila ng agwat ng edad nila sa isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *