Ai-Ai Delas Alas Ibinahagi Ang Kanyang Matamis Na Pagbati Para Sa Kanyang Asawa

Sadya nga namang napakabilis ng panahon, dahil ang isa sa mga hinahangaang couple na sina Ai-Ai Delas Alas at ang kanyang mister na si Gerald Sibayan ay ipinagdiwang na ang ika-7 anibersaryo bilang mag-asawa noon nga lamang ika-12 ng Abril 2021, araw ng Lunes.




Batid ng marami na maraming mga pagsubok na pinagdaanan ang komedyanteng aktres na si Ai-Ai Delas Alas pagdating sa paghahanap ng kanyang tunay na pag-ibig o ng taong magmamahal sa kanya ng lubusan at magbibigay ng kaligayahan sa kanyang buhay.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

At nang dumating nga sa kanyang buhay ang asawa niyang si Gerald Sibayan ay tila nadinig na nga ang matagal na niyang kahilingan na masayang pamilya at buhay pag-ibig, dahil makikita nga sa kanilang social media account kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Makikita sa IG account ni Ai-Ai sa araw ng kanilang anibersaryo, ang naging simple ngunit ubod na tamis na mensahe niya para sa kanyang mister, kung saan inilakip niya din dito ang video nilang mag-asawa.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

“Habang buhay kitang mamahalin. Maligayang 7 taong pagsasama aking darling….. Literal na maligaya”, caption ng ani Ai-Ai. Sa post naman ni Gerald sa kanyang socmed account, ay nagparating din ito ng kanyang mensahe para sa asawa niyang komedyanteng aktres, na may hashtag pa ngang #7thyearAnniversary, #412 at #7/7.

“Happy 7th anniversary, my forever date. I love you so much, Darl”, caption ng ani Gerald.
Matatadaan na ang mag-asawang AI-Ai Delas Alas at Gerald Sibayan ay ikinasal noong buwan ng Disyembre taong 2017 sa King Parish, sa Greenmeadows, Quezon City.

Bago pa man naging mag-asawa, ay nagkakilala nga ang dalawa sa isang badminton game noong taong 2014. Tuwang-tuwa naman ang mga tagahanga ni Ai-Ai, dahil sa nakikita nila sa kanilang iniidolo kung gaano ito kasaya sa buhay kasama ang kanyang mahal na asawa.

Bumaha nga ang mga pagbati mula sa kanilang mga tagahanga, para sa pagdiriwang ng mag-asawa ng kanilang anibersaryo. “God bless miss ai more years to celebrate.”
“Happy 7th yrs…. Anniversary Ai-Ai and to your hubby… congrats..”




“Idol talagang bless ka. Having Gerald napakaloving niya at sobrang mahal ka. Stay in love God Bless you always?? [red heart emoji]?” “Congrats! Happy 7th wedding anniversary.. God bless po sa inyong dalawa.. Love ko ito si Ai ai..??” “Ganda babae Aiai ohhhh pogi asawa nya. Congrats to both of U. Put God first In Ur life.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *