Ai-Ai delas Alas, Ibinahagi ang Labis na Kaligayahang Ngayong Nakapagtapos Na Ng Kolehiyo Ang Kanyang Bunsong Anak na si Sophia

Bawat tagumpay na nakakamit ng isang anak, ay dobleng tagumpay para sa kanilang mga magulang, lalo na kung ito’y pagdating sa kanilang edukasyon o kaya naman ay magandang buhay nila sa hinaharap.




Para nga sa mga magulang, ay napakahalaga ng edukasyon para sa kanilang mga anak, dahil ito ng isang yaman na maipapamana nila. Kaya naman sa bawat magulang ay doble ang kasiyahan at tagumpay na kanilang nadarama kapag ang anak nila ay nakapagtapos nilang lahat sa kolehiyo.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Tulad naman ng ibang mga magulang ay walang kasing sayang kaligayan naman ang nadarama ngayon ng komedyanteng si Ai-Ai deLas Alas, kung saan ay bilang isang magulang ay ‘very proud’ siya sa kanyang bunsong anak dahil sa nakapagtapos na ito sa pag-aaral.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Sa Instagram nga ng TV host-comedienne ay nagbahagi ng kanyang mensahe ang 56-taong gulang na si Ai-Ai de Las Alas para sa pagtatapos ng kanyang anak. Ipinagmamalaki din ni Ai-Ai na isang malaking achievement para sa kanya, bilang isang magulang na makapagtapos na ang bunsong anak.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

“Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na siya, sa wakas wohoooo”, ang naging paunang mensahe nga ni Ai-Ai.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Dagdag pa ng komedyante, “Nagpapasalamat ko sa POONG MAYKAPAL at MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag-aaral ng aking anak.. naiiyak ako sa tuwa, aktwal na iiyak talaga ako so iiyak na ko hehehe parang nabigyan ako uli ng award at international acting award sa nangyaring ito sobra sobrang trophy ito anak.”

Base nga sa naging mensahe ni Ai-Ai-, daig pa niya ang nabigyan muli ng award o tropeyo, dahil sa sobrang kaligayahan talaga ang kanyang nararamdaman ngayon.

Samantala, pinasalamatan rin naman ng komedyante, ang mga taong naging bahagi ng pagtatapos ng kanyang anak sa pag-aaral, lalo na ang mga tumulong dito na maabot ang tagumpay nito.

“Bawat magulang ay yan ang pangarap ang makapagtapos ang kanilang mga anak.. nagpapasalamat din ako kay Miguel (papa ni Budang) at sa kanyang maybahayna si Pricilla dahil noon wala pa kaming bahay sa Amerika doon tumira ang anak ko habang nag-aaral siya ng highchool at first year college salamat @pricillsalud..




napaka agang pang valentines at bday ni lord ito para sa akin. Salamat DLSU sa ilang taong pamahalaan nya sa unibersidad na yan… Im so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski, budaski… andrea,, I love you so dearly anak @sophdelasalas.. ANIMO LASALLE”, ani pa ng komedyante.

Sa mga hindi nakababatid, ang komedyante at TV host na si Ai-Ai Delas Alas ay may tatlong anak, at bunso nga sa mga ito ay si Sophia, ang kanya ring unica hija.
Ngayon nga ay happily married ang TV host-comedienne sa kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *