Ai-Ai Delas Alas Masayang Ibinahagi Ang Pagiging Isang Ganap Na Piloto Ng Kanyang Asawa

Kung ang pag-uusapan nga ay buhay pag-ibig, isa ang actress-comedian na si Ai-Ai Delas Alas sa mga kilalang aktres na hindi itinago sa publiko ang mga bagay na kanyang karanasan pagdating sa kanyang mga naging lovelife.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram




Marami sa atin ang nakaka-alam na naging kontrobersyal ang mga nakaraang relasyon ni Ai-Ai, at isa nga sa mga ito ay ang naging pagpapakasal niya kay Jed Salang na tumagal lamang ng ilang buwan sa kadahilanang nagsimula itong manakit sa aktres ng pisikal ilang araw lamang matapos silang magpakasal.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Ngunit sadya nga namang ang tunay na pagmamahal ay kusang darating sa taong deserve ito, dahil halos limang taon na rin ang nakaraan ng makilala at matagpuan ng Queen of Comedy ang kanyang tunay na pag-ibig at kapayapaan ng kanyang puso sa asawa niya ngayon na halos 30-taon ang ibinata sa kanya.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Ang miyembro ng De La Salle’s National Badminton Team na si Gerald Sibayan, ay buong tapang na ipinaglaban ang pagmamahal niya sa actress-comedian kahit pa nga ba marami ang nagsasabi na napakalaki ng kanilang agwat sa isa’t isa.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Sa kanyang Instagram naman ay ibinahagi ni Ai-ai ang istorya kung paano sila unang nagkakilala ng kanyang asawa at ang naging reaksyon niya ng ipakilala si Gerald sa kanya ng kaibigan niyang si Pao.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Anong gagawin ko sa 20 years old? Leche! Ang naging reaksyon ni Ai-ai, at naisip na hindi ang isang tulad ni Gerald ang papasa na maging manliligaw niya.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Pero sino nga ba naman ang makakapagsabi, na sa kabila ng naging reaksyon na iyon ni Ai-ai ay heto sila ngayon ng asawa niyang si Gerald na halos 5 taon ng masayang nagsasama bilang mag-asawa.

At para sa kanila ay maraming taon pa ang kanilang bibilangin, at magiging matatag pa ang kanilang relasyon upang magkasamang abutin ang kanilang mga pangarap.

Sa kabilang banda naman, ay muling nagbahagi rin si Ai-ai sa kanyang instagram ng isang post. At ito ay ang nakamit na tagumpay ng kanyang asawa, na ngayon ay isa ng ganap na Piloto na talagang pangarap nito noon pa man.




Kalakip ang isang larawan sa post ng comedian-actress ay ang caption na; “Congratulations Capt. Gerald Sibayan. I am so proud of you, my husband.” “Salamat sa tiyaga at dedication mo sa pagiging piloto mo…ang sabi nga “the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.” Dagdag pa ni Ai-ai.

Marami naman sa mga tagahanga ni Ai-ai ang naghayag ng kanilang masayang mensahe para sa mag-asawa at hiling na mas tumagal pa ang kanilang masayang pagsasama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *