Ai-Ai Delas Alas Nais Mag Bakasyon Muna Upang Magkaroon Ulit Ng Anak

Karamihan sa ating mga naging ina ay nagkaroon ng anak sa edad na 20 taong gulang hanggang 30 gulang. Ito ang karaniwang edad para sa mga nagnanais na magsimula ng kanilang pamilya. Ito rin kasi ang pinakamainam na edad upang mabuntis ayon sa mga pag-aaral. Maliban pa rito, ito ang karaniwang edad ng pagpapakasal ng isang babae. Ngunit kung sakaling medyo nahuli ang pagdating ng “The One” at naging busy ka sa iyong buhay, hindi talaga maiiwasan magkaroon ka ng anak sa medyo matandang edad.

Photo Credit: @msaiaidelasalas/Instagram




Hindi naman ito hadlang para sa komedyante at aktres na si Ai-Ai Delas Alas dahil sa edad na 54 taong gulang, binabalak pa rin ng aktres na magkaroon ng anak. Ayon kay Ai-Ai, mula sa kanyang pahayag sa isang panayam, aligaga raw siyang tapusin ang lahat ngayong taon dahil gusto raw nilang magbakasyon sa susunod na taon ni Gerald Sibayan, kanyang kasintahan at bumuo ng sariling pamilya.

Photo Credit: Ai ai delas Alas/Google/PEP

Ayon din sa komedyante, isang taon lang naman siyang mawawala. Ito ay dedepende pa sa tindi ng kapit ng kanyang pagiging sanggol sa kanyang sinapupunan. Ipinaliwanag din ni Ai-Ai na kailangan niya lang manatili sa bahay sa first trimester o sa unang tatlong buwan ng kanyang pagbubuntis. Puwede na raw siyang lumabas-labas kapag dumating na ang ika-limang buwan ng kanyang pagbubuntis.

Ibinahagi rin ni Ai-Ai na dapat ay sa Enero na siya na nagpapahinga para pagdating ng Nobyembre ay manganganak na siya ngunit may mga kailangan pa raw siyang tapusin kung kaya’t sa Agosto na lamang siya magpapahinga. Bagama’t 54 na, hindi pa rin sumasailalim si Ai-Ai sa tinatawag na menopausal stage ng babae kung kaya’t maaari pa siyang magbuntis.

Isa itong paalala sa lahat ng mga babaeng nagnanais na maging ina na hindi pa huli ang lahat. sabayan mo lamang ng determinasyon, at dasal, pagkakaloob ka talaga ng isang anghel kung ito ang iyong hiling.

Video Credit: PEP/YouTube




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *