Ai Ai Delas Alas Nasorpresa Ng Gawing “Hello Kitty Home” Ng Kanyang Asawa Ang Kanilang Tahanan

Tila natagpuan na nga ni Ai Ai Delas Alas sa katauhan ng kanyang asawa si Gerald Sibayan ang lahat ng hinahanap niya sa isang lalaki, dahil maliban sa mahal na mahal siya nito ay talaga namang ginagawa nito ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa kanya.




Kamakailan nga lamang ay nakatanggap ng bonggang sorpresa si Ai Ai sa kanyang asawa, at ito nga ay ang ginawa ng kanyang asawa na tila ‘hello kitty’ house ang kanilang tahanan, matapos itong punuin ng mga hello kitty items at furnitures ang kanyang silid tulugan at iba parte ng kanilang bahay.

Ikinagulat nga naman talaga ni Aiai ang kanyang nadatnan ng bonggang pagbabago sa kanilang tahanan. Ilan nga sa mga hello kitty items at furniture na makikita na sa tahanan ngayon ng comedian actress ay ang ilaw na ginagamit, mirror at ang mga throw pillows. Maging ang couch ay puro Hello Kitty bow rin ang naka-imprenta.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Ayon nga sa ulat, Mula sa kanyang halos dalawang buwan na lock-in taping si Ai Ai, at hindi nga nito inaasahan na sa kanyang pag-uwi sa kanilang tahanan ay ang bonggang renovation na pinangunahan ng kanyang asawa ang kanyang dadatnan.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Dahil batid ni Gerald na mahilig sa Hello Kitty at My Melody products ang asawang si Ai Ai ay pinaghandaan niya ang kanyang sorpresa na ito. Kaya naman upang pasiyahin ang misis ay naisip niyang irenovate ang kanilang bahay na tila maging mala-palasyo ng Sanrio bilang kanyang anniversary gift sa kanyang asawa.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Sa naging interview ng PEP kay Ai Ai ay ibinahagi ng actress comedian kung gaano siya nasiyahan sa sorpresa ng bumungad sa kanya pagkauwi niya galing sa lock in taping.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Ibinahagi rin ni Ai Ai, na ang ginamit na pang gastos ng kanyang asawa sa pagpa renovate ng kanilang bahay para maging “Hello Kitty House” ang dating, ay mula sa kinita nito sa kanyang online siomai.

Photo Credit: msaiaidelasalas/Instagram

Dagdag pa ng komedyanteng actres nag-hire ng interior decorator ang kanyang asawa, upang mas makuha at masunod niya ang gustong disenyo ni Ai Ai para sa kanilang bahay.
Ayon pa kay Ai-Ai, hindi siya maluho sa mga gamit kagaya ng mga bag at sapatos, ang gusto niya lang ay maganda, malinis at maayos na bahay.




Mahilig lang talaga umano siya mangolekta ng mga items na related sa kanyang paboritong famous fictional character. “Noong high-school student ako, mahilig ako sa mga Hello Kitty at My Melody items.

Iniipon ko noon ang baon ko. Paramihan kami ng bestfriend ko ng pin sa necktie pero laging Lotlot ako dahil mayaman ang pamilya niya kaya natapos ang hilig ko sa Sanrio products”, ang naging pagbabahagi ni Ai Ai.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *