Aiko Melendres Ibinahagi Kung Paano Siya Nakakatulong Sa Mga Kapuspalad Gamit Ang Kinikita Sa YouTube

Marami ang nakapansin na ibinalik ni Maria Kendra Melendrez sa tunay niyang pangalan na Aiko Melendez ang pangalan niya sa Facebook nito lamang nakaraan. At ayon nga sa aktres, ay ginawa niya dahil nalilito ang mga tao sa kanyang pangalan.




“I changed my name lang kasi nalilito ang mga tao sa name ko. Ha-hahaha! Ang naging bungad nga ng aktres, ng tanungin siya kung bakit binago niya ang kanyang FB name.

Photo Credit: aikomelendez/Instagram

Samantala, para sa kaalaman ng lahat ang pangalan na Kendra ay ang karakter ni Aiko sa katatapos lamang na GMA series na ‘Prima Donnas’.
Ibinahagi naman ng aktres, na kahit wakas na ang nasabing serye, ay magiging kaabang-abang naman ang book 2 nito.

Photo Credit: aikomelendez/Instagram

Masaya ngang ibinalita ni Aiko, na magkakaroon pa ng book 2 ang Prima Donnas.
Dagdag pa ni Aiko, pagkatapos ng Mahal na Araw, ay i-aanunsyo niya naman ang kanyang isang bagong proyekto, kung saan ay makakasama niya ang ilan sa mahuhusay na Kapuso star, tulad nia Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.

Photo Credit: aikomelendez/Instagram

Chika pa ni Aiko, wala munang bakasyon na magaganap sa kanilang pamilya ngayon, ito ay dahil mas pinipili nila ang manatili sa loob ng kanilang tahanan upang mas maging ‘safe, lalo pa nga’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng krisis sa ating bansa.

Photo Credit: aikomelendez/Instagram

“Dito kami sa house lang mag-Holy Week, kas inga pataas ng pataas ang krisis cases so, since ate me trauma na kami dahil sa nangyari sa Dad (Dan Castaňeda) ko stay home completely kami”, saad ni Aiko.

Photo Credit: aikomelendez/Instagram

Inamin pa nga ng aktres na kapag nakakabasa o makakapanood siya ng mga ulat na patuloy ang pagtaas ng kaso ng krisis sa bansa, lalo at marami na rin ang namamatay, ay mas nakakaramdam siya ng takot lalo na nga’t kasama nila sa kanilang tahanan ang kanyang ina na si Mommy Elsie na isa ng senior citizen.

Photo Credit: aikomelendez/Instagram

“Yes ate, talagang takot kami for my mom, siyempre senior na s’ya kaya super ingat kami”, ani pa ng aktres. Naibahagi naman ni Aiko, na habang nasa bahay lamang siya ngayon at hindi lumalabas ay nililibang at ginawa niyang abala ang kanyang sarili sa pag-gawa ng mga content sa kanyang YouTube channel.




Sa ngayon umano ay mayroon ng 500K subscribers si Aiko sa kanyang YouTube, at ang kinikita umano niya sa nasabing social media platform, ay ipinapangtulong niya sa mga kababayan natin na mas nangangailangan. Hindi naman binanggit ng aktres, kung sino-sino ang mga tao na kanyang tinutulungan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *