AJ Raval Naging Muse Ng Brgy. Ginebra Sa Pagbubukas Ng PBA Season 47

Opisyal ng nagbukas muli ang PBA league season 47 sa bansa nito lamang nakaraang ika-5 ng Hunyo taon ng kasalukuyan. At bago nga simulan ang patimpalak ng basketball ng iba’t ibang kupunan ay nagkaroon muna ng parade at paglalapag ng mga pangalan ng mga manlalaro.




Bukod nga sa drafting na dapat paghandaan ng bawat kupunan ngayong Season 47 ng PBA ay kailangan ding maghanda ng magiging “muse” ng bawat kupunan, na siya ngang magre-represet sa kanila. Dahil dito, ay marami ngang mga magagandang dalaga ang naimbitahan para gumanap na muse ng bawat kupunan.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Ilan nga sa mga naging muse ay mga kilala ng publiko dahil ilan sa mgabuto ay mga kilalang personalidad sa mundo ng showbiz, ito nga ay ang nagagandahang sina Miss Universe Celeste Cortesi, Maureen Wrobletwitz, Sue Ramirez, Michelle Dee, Kim Mangrombang. Kabilang din nga sa mga naging muse sina Zabel Lambert, Patch Magtanong, Joanna Marie Relloso, Azriel Coloma at Ksenia Grondetska.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Naging agaw-pansin din sa publiko ang muse ng kupunan ng Brgy. Ginebra, na talaga mamang hinihiyawan ng marami, at ito nga ay walang iba kundi ang aktres na si AJ Raval.
Hindi naman nakapagtataka na maging muse si AJ at siya ay hiyawan ng maraming kalalakihan, sapagkat siya nga ay isa sa mga aktres ngayon sa showbiz na talaga namang pantasya ng mga kalalakihan dahil sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Naging matagumpay naman ang pagbubukas ng PBA season 47, kung saan ito nga ay naging maayos at napuno lamang ng mga masasayang kaganapan, kagaya na lamang nga ng ilang mga seremonya bilang bahagi ng pagbubukas ng bagong season nga ng palarong ito.

Photo Credit: ajravsss/Instagram

Panigurado naman na marami ang nag-abang ng naging pagbubukas ng bagong season na ito ng PBA, dahil batid naman natin na maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa panonood ng larong basketball.




Si AJ Raval ay isa sa mga aktres ngayon sa showbiz na talaga namang hinahangaan ng marami, lalo na ng mga kalalakihan, ito ay dahil nga sa kanyang taglay na kagandahan at kaseksihan kaya naman isa rin siya sa mga pantasya ngayon.

Hindi lang din isang aktres ang 26- taong gulang na si AJ, dahil isa din siyang social media star at YouTuber star na sinusubaybayan ng maraming netizens.
Isinilang noong ika-30 ng Setyembre taong 1995 si AJ Raval. Ang kanyang ama ay ang mahusay na aktor na si Jeric Raval.

Leave a Reply

Your email address will not be published.