“Ako Yung Walang Ginawang Masama” Bea Alonzo Handa Umano At Taas Noo Sakaling Makasalubong Ang Kanyang Ex-Boyfriend

Kung mayroon kang ex-boyfriend na hindi naging maganda ang hiwalayan na nangyari sa inyo dahil sa may mali itong nagawa sayo at sa hindi inaasahang pagkakataon ay makasalubong mo ito, ano ang gagawin mo? Ganito ang naging katanungan, sa ngayon ay Kapuso actress ng si Bea Alonzo ng makapanayam siya ng GMA reporter na si Nelson Canlas nito lamang nakaraan. Tanong nga ni Nelson sa aktres, kung handa ba ito sakaling magkakasalubong sila ng kanyang mga naging ex-boyfriends.




Kaagad naman itong sinagot ng aktres, kung saan ay sinabi nga niya sa lahat ng mga naging ex-boyfriend niya ay wala naman siyang ginawang masama para ma-bother sa presensya ng kung sino mang ex ang tinutukoy ng reporter.

Dagdag na saad pa ni Bea, kung sakaling makasalubong nga niya ang kanyang ex, ay handa umano siya at wala siyang ibang gagawin kundi ang taas-noong maglakad, dahil batid niya sa kanyang sarili na wala naman siyang anumang masama na ginawa.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

“I will just hold my head up high kasi ako yung walang ginawang masama. “And just, you know, walk straight, I guess, kasi hindi ikaw yung maiilang kasi ikaw yung walang bagahe sa konsensya mo, e”, ani Bea.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Ngunit ayon sa aktres, ay hindi niya magagawang mag-hello sa ex niyang ito, lalo na kung hindi naman nagtapos sa pagkakaibigan ang kanilang naging hiwalayan. Sa interview nga na ito kay Bea ay hindi naman niya pinangalanan kung sinong ex-boyfriend niya ang kanyang tinutukoy. Subalit batid naman ng publiko na hindi naging maganda ang paghihiwalay ni Bea at ng ex-boyfriend niyang aktor na si Gerald Anderson.

Photo Credit: beaalonzo/Instagram

Matatandaan na noong taong 2019 ay naging malaking balita at naging kontrobersiyal nga ang hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson at ito nga ay dahil sa ‘ghosting’ issue, kung saan ayon sa aktres ay bigla na lamang nga hindi nagparamdam sa kanya ang aktor.




Samantala, sa naging pag-guest din ni Bea sa vlog ng Kapuso star na si Barbie Forteza ay naibahagi niya na sa kanyang mga naging ex, ay mayroong isa na ayaw na niyang makatrabaho, ngunit hindi naman niya pinangalanan kung sino ito. Bukod sa aktor na si Gerald Anderson ay naging ex-boyfriend din ni Bea ang aktor na si Zanjoe Marudo, ngunit ayon nga sa aktres ay maayos at magkaibigan sila ni Zanjoe sa kabila ng naging paghihiwalay nila nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *