Aktor Na Si Aaron Villaflor Ipinakilala Na Sa Publiko Ang Kanyang Non-Showbiz Girlfriend

“Happy and In-love”, heto ngayon ang takbo ng buhay pag-ibig ng aktor na si Aaron Villaflor.
Gwapo, matipuno, matagumpay sa karera sa buhay, yan lang naman ang ilan sa mga katangian ng isa sa mga sikat at gwapong aktor sa showbiz na si Aaron Villaflor.



At kahit pa nga ba may paniniwala ang maraming kababaihan sa atin na “basta gwapo, manloloko”, ay pinatunayan naman ng aktor na hindi siya isa sa mga ito.
Minsan na ngang inamin ng aktor, na siya at ang aktres na gaganap bilang bagong Darna na si Jane De Leon, ay nagkaroon ng relasyon, at isa umano ang aktres sa mga babaeng kanyang iniyakan. Ayon kay Aaron, isa sa mga naging dahilan ng hiwalayan nila ng aktres, ay kakulangan nila sa oras sa isa’t-isa.
At ngayon nga, na halos dalawang taon na rin ang lumipas mula ng maghiwalay si Aaron at Jane, ay masasabi natin na tuluyan na ngang nakapag-move-on ang aktor, mula sa sakit na dulot ng naging paghihiwalay nila. At ayon nga kay Aaron, ay masaya siya sa matagumpay na karera na tinatamasa ngayon ng kanyang dating nobya.
Ibinahagi nga rin ng aktor ang ilan pang mga babae sa showbiz na kanyang nagustuhan ngunit hindi niya nakarelasyon.
Pagbabahagi pa ni Aaron sa rebelasyon tungkol sa mga babaeng na-link sa kanya, ay isa rin umano si Dawn Chang sa mga babaeng kanyang nagustuhan, ngunit ang pagkagusto niya rito ay hindi humantong sa panliligaw.
Ayon pa sa binatang aktor, nagkaroon rin umano sila ng espesyal na pagtitinginan ng aktres na si Yen Santos, ito ay ng magsama sila sa seryeng All of Me na inere noong taong 2015.
“Kulang na lang label. Parang kami na parang hindi”, ang naging saad nga ni Aaron tungkol sa noon ay mahirap intindihin relasyon na mayroon sila ni Yen.
Pag-amin rin ng aktor, na 8-taon na ang lumipas ay sinubukan rin niyang ligawan ang aktres na kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith. Ngunit kasabay ng pagbabalik ni Jasmine sa Australia, upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, ay tuluyan na ring nag-let go ang aktor sa nararamdaman nito.
Matatandaan rin na, na-link si Aaron sa aktres na si Barbie Imperial, ngunit agad naman nitong klinaro sa lahat, na sila ng aktres ay magkaibigan lamang.
Sa ilang beses ngang pagbabago ng aktor sa kanyang mga babaeng napupusuan at nagustuhan sa showbiz, ay masasabi natin na lagi itong nabibigo. Ngunit ngayon ay masayang ibinahagi ng aktor, na ang kanyang buhay pag-ibig ay muling naging makulay, ito ay dahil sa pagdating sa buhay niya ng kanyang non-showbiz girlfriend na siyang nagpapasaya sa kanya ngayon.
Proud na ibinahagi ng aktor, sa kanyang Instagram account ang larawan nila ng kanyang non-showbiz girlfriend na kilala bilang si Ms. Chinatown Camille Buenaventura.
Kalakip ng larawan ng dawala, ay ang caption na nilagay ni Aaron na;
“No words can define how happy I am right now!



Ngayon nga ay 29-taong gulang na ang aktor na si Aaron Villaflor, at ayon sa binata ay nakikita na niya na nalalapit na ang kanyang pagpapakasal.
Ayon nga sa binata, hindi aabutin ang edad na 35-taong gulang, ay nais na niyang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya, upang mas nagkaroon siya ng matagal na panahon na makalaro at maka-bonding ang kanyang mga magiging mga anak.
Ano ang masasabi niyo sa naging pagbabahagi ng aktor sa masayang buhay pag-ibig niya ngayon?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *