Aktor Na Si Dennis Padilla Ibinunyag Na Isa Sa Kanyang Mga Anak Na Babae Ang Nagpakasal Sa Kapwa Babae

Isa sa mga pelikula na e-entry ng Viva Films sa gaganaping 46th Metro Manila Film Festival ay ang pelikula na kinabibilangan ni Dennis Padilla na “Pakboys:Takusa”, na kamakailan lamang ay pinag-usapan ang naging trailer dahil sa naganap na eksena ng nabanggit na aktor, at ng transgender woman na si Francine Garcia.




Ayon sa ulat, ilang mga miyembro ng LGBTQ community ang nakaramdam ng pang-iinsulto sa isang eksena ng nasabing pelikula. Ito ay kung saan ay makikita ang karakter ni Francine ay nakatalikod habang umiihi ng patayo samantalang gulat na gulat ang karakter ni Dennis Padilla, dahil sa hindi nito inaasahan na transgender pala ang nakaniig niya.

Image Credit via Google

Dahil nga rito ay nakatanggap si Dennis Padilla ng pambabatikos mula sa ilang miyembro ng LGBTQ.

Image Credit via Google

Ngunit ayon sa aktor, walang dapat ika-offend ang mga miyembro ng LGBTQ community sa kanya,ito ay dahil sa mataas ang respeto niya sa mga ito.

Image Credit via Google

At dito na nga ibinunyag ng aktor na isa sa kanyang anak na babae ang nagpakasal sa kapwa nito babae sa ibang bansa.

Image Credit via Google

“My daughter is married to a woman in the States”, panimulang paglalahad ng aktor.
“My eldest daughter Dianne, who is 30 yrs old, is married to Katx who is also a woman”, naging pagbubunyag nga ni Dennis.

Image Credit via Google




“And I respect them because mahal ng anak ko, e.” Ang anak ngang ito na tinutukoy ni Dennis Padilla, ay ang kanyanganak na si Dianne Baldivia, kung saan ito ay pinakapanganay sa kanyang mga anak, dahil sa anak niya ito sa kanyang first wife na si Monina Gatus bago pa man nga nito makarelasyon ang aktres na si Marjorie Barretto.

“So, nang ikasal sila sa Amerika, I was happy for them. “Ako pa ba ang babastos sa LGBTQ, e, yung daughter ko, asawa babae? Legally married sila sa California”, ang pagpapatuloy pa ngang saad ng aktor.

Makikita nga sa mga larawan ni Dennis, kung saan ay kasama niya ang anak at ang kapwa babae na asawa nito, na suportado niya ang relasyon ng mga ito. Ang same-sex marriage nina Dianne at Katx ay naganap noong ika-26 ng Setyembre 2019, sa bansang California.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *