Aktor Na Si JC Santos Hinangaan Dahil Sa Pagiging Hand On Nito Sa Kanyang Anak

Sa tunay na buhay, ay masasabi natin na mas madalas nating nasasaksihan na ang mga ina, ang madalas na nag-aalaga at nagbibigay oras sa kanilang mga anak, kumpara sa mga ama, dahil marami sa mga ama ng tahanan, ang mas abala sa paghahanap-buhay upang maibigay ang pangangailangan ng pamilya,




Ngunit, hindi nga naman lahat ng ama, ay nauubos ang panahon sa paghahanap-buhay, dahil mayroon pa ring ilan, na sa kabila ng pagod nila sa kanilang trabaho o pinagkaka-abalahan, ay nagagawa pa ring gampanan ang pagiging isang mabuti, at responsableng ama, sa pamamagitan ng pagbibigay oras na maalagaan at maasikaso ang kanilang mga anak.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Isa na nga sa mga ama na ito, ay ang aktor na si Jc Santos, na sa kabila ng kanyang pagiging abala sa kanyang trabaho, ay nagagawa pa rin niyang paglaanan ng oras ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak na si baby River Althea, at maging hands-on daddy dito.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Kilala at hinahangaan ng publiko si JC Santos, bilang isa sa mga mahuhusay na aktor ngayon sa industriya ng showbiz, ngunit hindi lamang nga siya sa pagiging isang aktor hahangaan, dahil kahanga-hanga rin ang pagiging isang responsable niyang ama, sa anak nila ng kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Matatandaan na buwan ng Enero noong nakaraang taon, gulatin ni JC Santos ang publiko, ito ay ng ihayag niya sa lahat na siya ay kasal na, sa babaeng kanyang crush mula pa siya’y high school.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Ikinasal nga si JC Santos sa kanyang non-showbiz wife na si Shyleena Herrera, noong buwan ng Setyembre 2019.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Kasabay ng pagsasapubliko ng aktor na siya ay kasal na, ay ibinahagi rin nito, na siya ay malapit ng maging isang ama, dahil ang kanyawang asawang si Shyleena ay nagdadalang-tao na at malapit na ngang magsilang sa kanilang magiging panganay na anak.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Samantala, ng isilang na nga ni Shyleena ang panganay na anak nil ani JC Santos, ay mas sinubaybayan ng mga tagahanga ng aktor ang kanyang buhay, mula sa pagiging isa niyang abalang celebrity, hanggang sa pagiging isa niyang “hands-on” daddy na kanyang cute na cute na anak, na pinangalanan nga nilang mag-asawa na si baby River.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Magmula ng maging isang ama, ay mga larawan n ani baby River, ang madalas na ibinabahagi ni Jc Santos sa kanyang social media account. Halos mapuno na nga ng mga cute na larawan ni baby River ang Instagram ng aktor, dahil sa lahat ng journey at bonding moments nilang mag-ama, ay ibinabahagi ni JC sa kanyang IG post.

Photo Credit: j.c.santos/Instagram

Makikita ngang very proud hands-on daddy si JC Santos, dahil sa talagang lahat ng kanyang mga larawan sa kanyang social media account, ay kasa-kasama niya lagi at ka-bonding si baby River.

Ilan nga sa mga larawan na makikita sa IG ng aktor, ay nagpapakita na kahit na siya ay may ginagawa, ay nagagawa pa rin niyang bantayan ang kanyang anak.




Bawat larawan nga na ibinahagi ng aktor sa kanyang IG account,ay nagpapakita kung gaano niya kamahal ang kanyang mag-ina, dahil ilan din sa mga larawan nilang mag-asawa, ay makikita kung gaano siya ka-sweet sa kanyang asawang si Shyleena.

Marami namang mga netizens, ang talagang na-kyutan sa anak ni JC na si baby River, dahil sa pagkakaroon nito ng maamong mukha na sinamahan pa ng kulot na buhok, ay talaga namang nakakagigil ang sobrang kakyutan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *