Aktor Na Si JC Tiuseco Proud Na Nakuha Ang Kanyang Diploma Makalipas Ang 11 Taon

Masayang ibinahagi ng aktor na si JC Tiuseco, na matapos ang halos labing isang taon, sa wakas, ay nakuha na rin niya ang kanyang diploma.



Tunay nga naman na ang pagkakaroon ng Diploma, ay isa sa mga itinuturing na yaman ng isang tao, ito ay dahil sa patunay ito na ikaw ay nakapagtapos na ng iyong pag-aaral sa kolehiyo at maituturing na ikaw ay isa ng propesyonal na tao.
Photo Credit: jctiuseco/Instagram
Isa sa mga aktor sa showbiz ngayon, ang proud na ibinahagi, ang pagkakakuha niya ng kanyang diploma, ito ay matapos ang halos ilang taon na kanyang pag-aantay.
Sa Instagram account ng aktor na si JC Tiuseco, ay proud nitong ini-upload ang larawan ng kanyang diploma mula sa San Sebastian College – Recollectors.
Photo Credit: jctiuseco/Instagram
Kalakip ng larawan ng kanyang diploma, ay ang caption ni JC na;
“Diploma! So, after 100 years, kinuha ko na to dahil mas pinili ko mag-taping kaysa mag-attend ng graduation.”
Photo Credit: jctiuseco/Instagram
Matatandaan na si JC ay nagtapos ng kanyang kolehiyo sa kursong Bachelor in Science and Commerce noong buwan ng Mayo, taong 2009. Ito ay isang taon, bago siya magwagi ng grand prize sa first season ng “Survivor Philippines”, isa sa mga reality TV show noon ng GMA-7.
Photo Credit: jctiuseco/Instagram
Ibinahagi rin ng aktor sa kanyang caption, ang ilan sa kanyang mga naging journey sa kanyang buhay, kasabay ng kanyang naging pag-aaral hanggang sa siya ay makapagtapos ng kolehiyo
Photo Credit: jctiuseco/Instagram
“Naging basketball player, model, track and field athlete, survivor, and actor pero tinapos ko to kasabay ng lahat ng nangyayari.”
Photo Credit: jctiuseco/Instagram
Mababasa rin sa caption ni JC, ang naging pasasalamat niya sa lahat ng tao na tumulong at sumuporta sa kanya, upang matagumpay siyang makapagtapos sa kanyang pag-kokolehiyo.
Photo Credit: jctiuseco/Instagram
“Salamat sa lahat ng tumulong along the way.” Base sa ilang mga source, bago pa man maging kalahok si JC sa Survivor Philippines Season 1, ay isa muna ito sa mga basketball player ng San Sebastian College sa NCCA.



At matapos nga ang naging pagkapanalo ni JC sa reality TV show ng GMA na “Survivor Philippines”, ay maraming mga proyekto ang nagbukas sa kanya sa nasabing network.
Sa ngayon, ay mayroon ng sariling pamilya ang aktor. Ikinasal si JC kay Atty. Alu Dorotan, at sila ay pinagkalooban na ng apat na mga anak, at ito ay sina Ila, Irie, at ang kambal nilang mga anak na sina Tali at Eli.
Marami naman sa mga tagahanga ng aktor, ang kasiyahan para sa aktor sa pagkakabuo nito ng kanyang Diploma, dahil batid nila na ito ay simbolo ng pagsusumikap niya na matapos ang kanyang pag-aaral sa kabila ng maraming bagay niyang pinagkakaabalahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *