Aktor Na Si Marco Alcaraz May Ibinahagi Para Maging Happy Ang Relationship

Ang mag-asawang Marco Alcaraz, isang aktor at Larah Quigaman, isa namang beauty queen-actress, ay 10-taon ng kasal ngayong taon. At talaga namang kahanga-hanga ang relasyon nilang mag-asawa, dahil sa pagiging matatag nito sa kabila ng pagiging celebrity nila pareho.




Isa nga ang mag-asawang ito, sa talaga namang sa kabila ng pagiging celebrity couple nila, ay tsismis-free ang kanilang married life, na sinaluduhan ng marami nilang mga tagahanga, dahil sa galing ng pag-aalaga na ginagawa nila sa kanilang relasyon.

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

Ibinahagi naman ng aktor na si Marco Alcaraz sa kanyang Instagram, ang mga natutunan niya sa buhay may asawa, sa loob ng 10-taong pagsasama nila ng kanyang misis. At ayon nga kay Marco, ang mga ito ang naging sikreto upang mapanatiling matatag ang kanilang relasyon.

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

Ayon pa nga kay Marco, maaring gawin ng ibang mga mister ang kanyang “asawa tips”, upang pagsasama ng mag-asawa ay maging “forever” ang relationship.

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

Pagbabahagi nga ng aktor, sa relasyon nila ng asawang si Larah, ay mayroon silang ginagamit na dalawang magic words, na siyang pinakasikreto nga nila sa kanilang matatag at maayos na relasyon. Ang dalawang magic words ngang ito ay ang komunikasyon at oras.

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

Narito nga ang “asawa tips” na ibinahagi ni Marco sa kanyang IG account, na talaga namang magiging malaking tulong para sa mga mag-asawa, upang relasyon at pagsasama nila ay magtagal.

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

“Ang magandang pagsasama ng mag-asawa ay ang pagbibigay ng mas maraming oras sa pakikinig kesa sa pagsasalita.”

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

“Kaya pag may sinabi ang asawa mo Yes Boss lang ang sagot mo. Walang ibang sagot kundi Yes Boss. Tingnan niyo mukha ni Larah masayang masaya dba? #HappyLarahHappyMarco #HappyLifeHappyWife.”

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

Samantala, may asawa tips din si Marco pagdating sa usaping pera ng mag-asawa.
“Malalaman niyo na masaya ang pagsasama nyong mag-asawa kung may respeto, tiwala, at hindi pinag-aawayan ang pera. Kaya pag pera ni Mrs pera nya yun at kapag per ani Mr pera pa rin ni Mrs yun. Ayus ba?”

Photo Credit: marcoalcaraz/Instagram

Maliban pa sa mga ito, ay may idinagdag pang asawa tips ang aktor, kung saan ay ito rin umano ang isa sa mga sikreto ng matatag na pagsasama nilang mag-asawa.
“Asawa tips: Kapag mali m, mag-sorry ka. kapag mali niya, mag-sorry ka pa din. Bawal kang manalo ha. Bawal! #happywife#happylife.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marco Alcaraz (@marcoalcaraz)

Dagdag pa nga ni Marco, ang pag-aaway at tampuhan, ay normal lang sa mag-asawa, ngunit kinakailangan umano na ito’y kaagad na pinag-uusapan, upang hindi na lumaki at lumala pa.




Matatandaan na taong 2011 ng ikasal sa isang civil wedding ceremony sa Vancouver, Canada sina Marco at Larah. Muli namang ikinasal sa Pilipinas, sa isang Christian wedding ang mag-asawa noong taong 2012.

Ang 10-taong pagsasama ng mag-asawang Marco at Larah, ay biniyayaan na rin ng tatlong mga anak, at ang mga ito nga ay puro lalaki na sina, Noah, Tobias at Moses.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *