Aktor Na Si Miko Raval Nakipag-Isang Dibdib Na Sa Kanyang Longtime Girlfriend – College Sweetheart

Araw ng Lunes, Ika-1 ng Pebrero 2021, ay gumulat sa lahat ng mga tagahanga ni Fabio ng The Killer Bride na si Miko Raval ang magandang balita na ang actor na kanilang hinahangaan ay nakipag-isang dibdib na.




Ikinasal na nga ang aktor sa kanyang non-showbiz longtime girlfriend – college sweetheart na si Kaira Dimatulac. Matatandaan na noon pang taong 2019 na-engaged ang dalawa, kung saan ay sa bansang South Korea naganap ang engagement proposal ni Miko para sa kasintahan.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Ang pagpapalitan ng “I Do” nina Miko Raval at Kaira Dimatulac, ay naganap sa isang intimate wedding sa Our Lady of Ephesus Chapel, na matatagpuan sa Belle Rose Garden sa Silang, Cavite.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Samantala, ang kumalat nga sa social media ang mga magagandang larawan na kuha sa naging pag-iisang dibdib ng dalawa. At ang nasa likod nga ng mga nasabing larawan ay ang Nie Prin Photography, na siya ring nagbahagi ng mga larawan ng kasal nina Miko at Kaira, sa kanilang official Instagram page.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Kalakip ng mga larawan, ay ang inilagay nilang caption na; “Just Married. Congratulations and Best Wishes @mikoraval and @kairadimatulac.”
Makikita naman sa ilang video na ibinahagi ng mga kaibigan ng aktor na dumalo sa kasal, ang pagiging emosyonal ni Miko habang pinagmamasdan sa paglalakad sa aisle ang kanyang napakagandang bride.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Hindi Naaman napigilan ng ibang mga tagahanga ng aktor ang ‘malungkot’ dahil sa ikinasal na ang kanilang pinapantasyang aktor, ngunit sa kabila nito, ay masaya sila para sa masayang buhay na tatahakin nito kasama ang kanyang pinakamamahal.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Narito nga ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens; “Congrats papa Fabio and wifey” “Awww kinasal na si papa Fabio beb hahahaha” “Si papa Fabio kasal na” Oh my Fabio. Wala na tayong pag-asa. Congratulations. Best wishes to both of you.”
“Huhu kinasal na yung crush ko.”

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Bilang isang aktor, ay mas nakilala si Miko ng publiko ng gampanan niya ang pagiging si Fabio Serrano sa ABS-CBN series na The Killer Bride, kung saan ay nakaparehas niya ang aktres na si Maja Salvador.

Photo Credit: mikoraval/Instagram

Matatandaan naman sa naging panayam noon nina Miko at Kaira sa isang episode ng morning talk show na “Magandang Buhay” ay ikinuwento ng dalawa na, ang kanilang magandang relasyon ay nagsimula pa noong taong 2012. At ng parehong taon ding iyon nagsimula ang showbiz career ni Miko.

Photo Credit: mikoraval/Instagram




Nangako naman si Miko, bago pa sila ikasal ni Kaira na magsisikap siyang ibigay dito ang mga bagay na nararapat dito, at isa na nga rito ang labis at tapat na pagmamahal. Si Kaira naman ay nangako kay Miko, na susuportahan niya ang showbiz career nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *