Aktor Na Si Rocco Nacino Masayang Ibinahagi Ang Engagement Nila Ng Volleyball Star Na Si Melissa Gohing

Ang magkasintahang Rocco Nacino, isang kilalang Kapuso aktor at Melissa Gohing isa namang volleyball star nng Creamline volleyball team ay halos nasa tatlong taon na ang relasyon.




At matatandaan nga na noon lamang buwan ng Setyembre, ay ipagdiwang nilang magkasintahan, ang kanilang ika-3 taong anibersaryo.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

At nito nga lamang nakaraan, araw ng Biyernes, ika-20 ng Nobyembre, ilang buwan lamang ang nakalipas matapos nilang magdiwang ng ika-3 anibersaryo bilang magkasintahan ay may bagong ipinagdiwang sina Rocco at Melissa, at ito nga ay ang kanilang naging engagement.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Ang masayang kaganapan na ito sa buhay ng magkasintahan ay inanunsyo ng aktor sa kanyang Intagram post, kung saan ay ibinahagi niya ang larawan nilang dalawa ni Melissa, habang suot-suot na nito ang engagement ring na kanyang ibinigay.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

“And she said Yes! I love you forever @gohingmelissa”, ang naging saad nga ng aktor sa kanyang Instagram caption. Ibinahagi naman ng Nice Print Photography ang mga larawan ng magkasintahan, na kinunan sa ginanap na “surprise proposal”, ilang oras lamang matapos ang naging pag-anunsyo ni Rocco.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Sa naging pagbabaahagi na ito ng Kapuso actor, ng panibagong yugto sa kanilang relasyon ng kasintahan, ay bumuhos naman ang masasayang pagbati mula sa kanilang mga kaibigan sa industriya ng showbiz.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Ilan sa mga bumating mga artista sa magkasintahan ay sina Dingdong Dantes, Winwyn Marquez, Heart Evangelista, John Prats, Mark Herras, Jasmine Curtis-Smith, Doug Kramer, Chesca Garcia, Rodjun Cruz, Dianne Medina at Ara Mina.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram

Matatandaan na noong buwan ng Setyembre,ay naibahagi na ni Rocco Nacino, sa isang naging panayam sa kanya, na siya nga ay handa ng mag “settle down” sa buhay, kung saan ay ang kasintahan na nga niyang si Melissa, ang makakasama niya.

Photo Credit: nacinorocco/Instagram




Nang tanungin si Rocco, kung nakikita na ba niya ang sarili na pakakasalan ang Creamline player, ay agad na “Super, yeah”, ang naging kasagutan nito. Sa panayam rin na ito ng aktor, ay sinabi niya kung paanong nag-click ang relasyon nila ni Melissa, sa kabila ng maraming pagkakaiba nilang dalawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

“Nakita ko sa kanya kung anong meron na rin ako – ‘yung fire, ‘yung hunger and sobrang nagja-jive kami when it comes to talking about everything”, ani ni Rocco.
Congratulations Rocco Nacino at Melissa Gohing!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *