Aktres Na Si Dimples Romana Matagumpay Pa Rin Ang Naging Weight Loss

Sa panahon ngayon na kinakailangang mas maging fit at healthy ang pangangatawan ay marami ang talaga namang naging conscious pagdating sa kanilang kalusugan. Kagaya na lamang ng mga kilala at sikat na celebrity, na sumabak sa kanilang fitness journey, hindi lamang para magkaroon ng magandang hugis ng katawan kundi upang masigurado na maayos ang kanilang kalusugan.




Ang aktres na si Dimples Romana ay isa lamang sa mga sumabak sa fitness journey, at ito nga ay kanyang ibinahagi sa kanyang vlog noon lamang buwan ng Abril. Sa naturang vlog ng aktres ay mapapanood ang kanyang naging unang hakbang para ma-achieve ang mas healthier at masayang buhay, kung saan siya sy sumabak sa isang group exercise.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Makalipas nga lamang ang ilang buwan magmula ng simulan ni Dimples ang kanyang fitness journey, ay kanya ng pinamangha ang mga netizens sa resulta ng kanyang ginawa. Sapagkat agad ngang mapapansin sa aktres ang naging magandang improvement ng kanyang katawan, kung saan makikita nga na malaki ang ibiniwas ng kanyang timbang at gumanda ang hubog ng katawan niya.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Marami naman ang agad na nagtanong kay Dimples kung ano ang kanyang ginawang work out routine ara mabilis na ma-achieve ang pagpapayat. At karamihan nga sa mga nagtanong sa kanya ay mga “working mom” na tulad niya.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ngunit ayon nga sa naging IG post ni Dimples nito lamang nakaraan, ay dalawang buwan na umano siyang hindi nagwo-work out. Dagdag pa niya, gustuhin man niya ang mag-ehersisyo ay hindi naman niya magawa sapagkat bilang artista at negosyante ay nawawalan na siya ng oras para mag-workout. Kalakip nito ay ang kanyang larawan kung saan ay masisilayan nga ang maganda ng hubog ng kanyang pangangatawan ngayon.

“I have not exercise In two months. It was really the dietary adjustments I made that contributed to the weight loss”, aniya. Dagdag pa niya, “Much as I wanted, I’m unable to do much of exercise since I had to lay round as a newbie CEO of our own production team and setting up our creative school,

may duties din ako as an actress because our teleserye is showing very soon plus all my branded shoots and hosting pa which I super enjoy doing.”
May payo naman si Dimples para sa mga nais na simulant ang kanilang fitness journey.




At ayon nga sa aktres, mas mainam na bago magsimula ay alamin munang mabuti kung bakit kailangan na ang ‘lifestyle change’ sa kanilang buhay.

Ipinangako rin ng aktres sa mga tagahanga niya, na ibabahagi niya sa mga susunod na araw ang mga ‘easy and quick exercise’ na pwedeng gawin ng mga tulad niya na masyadong maraming obligasyon. Responsibilidad at pinagkakaabalahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *