Aktres Na Si Dimples Romana Pinahanga Ang Mga Netizens Dahil Sa Kanyang New Look Na Pink Colored Hair

Tila may bagong proyekto na namang muli ngayong taon ang aktres na si Dimples Romana. Ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang social media account ang kanyang “new look”, kung saan ay nakukulayan ng kulay pink ang kanyang buhok, na mas lalo pa ngang nagpalitaw ng kanyang magandang mukha.




Si Dimples Romana, ay isang Pinay actress, na mas naging popular at kinabiliban ang angking husay sa pag-arte ng gampanan niya ang karakter bilang Daniela Mondragon sa hit series ng Kapamilya network na “Kadenang Ginto”Dahil nga sa naging mahusay niyang pag-ganap sa nasabing karakter, ay mas lalo pa siyang nakilala ng publiko.

Image Credit: dimplesromana/Instagram

Nito nga lamang ika-3 ng Enero 2021, araw ng Martes, nang ibahagi ng 36-taong gulang na aktres sa kanyang Instagram ang kanyang larawan, kung saan ay makikita ang kanyang napakagandang mukha, na binagayan pa lalo ng new look ng kanyang buhok, dahil sa ito’y pinakulayan niya ng kulay pink.

Image Credit: dimplesromana/Instagram

“Felt cute might delete never maybe this look for another project? #DimpsTips2021 for Day 3, refuse to be put in a box. Explore, discover and release your inner fierce boss lady’, ang naging caption nga ng aktres, kalakip ang kanyang larawan.

Image Credit: dimplesromana/Instagram

Samantala, kung napahanga ang mga netizens at tagahanga ni Dimples sa kanyang new look, ay hindi rin nagpahuli ang kanyang mga kaibigan sa showbiz, dahil ilan sa mga kaibigan ng aktres ay nagkomento rin n papuri sa kanyang agaw-pansin na larawan.

Image Credit: dimplesromana/Instagram

Marami nga sa mga komento sa new look ng aktres, ay sinasabi na bagay kay Dimples ang bagong kulay ng kanyang buhok, at mas lalo siyang gumanda sa new look niyang ito.
Ilan nga sa mga kaibigan ni Dimples na aktres, na nagbigay komento ay sina Julia Montes, Larah Quigaman at marami pa ngang iba.

Image Credit: dimplesromana/Instagram

Makikita naman na isang komento ang sinagot ni Dimples kung saan ay sinabi niya nab aka kailanganin niya sa bagong proyekto niya ang ganung kulay niyang buhok.

Image Credit: dimplesromana/Instagram

“Baka this 2021 magkaproject ako that needs me to color this way haha”, saad ni Dimples.
Isa pa rin sa nagbigay komento sa new look ni Dimples ay ang kaibigan nitong si Kim Molina, na nagsabi ngang pwede na silang mag K-pop dahil sa kulay ng kanilang buhok.

Image Credit: dimplesromana/Instagram

“I LOOOOOVEEE IIIIITTTTT!!!READY NA PO KAMI MAG K-POP, DANYSAVYYY DOU’”, komento ni Kim. Tunay ngang bagay na bagay kay Dimple Romana ang kanyang new look na pink colored hair, dahil mas lalo siyang bumata tingnan at gumanda, na kung saan ay tila naging dalaga siyang muli, at kung titignan ay parang wala pang anak.




Ngunit, ilang araw lamang ang lumipas, ay muling nagbahagi ang aktres, ng kanyang bagong larawan, kung saan ay ipinakita niya na ibinalik na niya sa dating kulay ang kanyang buhok. Ito ay upang paghahanda niya, sa kanyang bagong proyekto sa MMK, at teleserye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *