Aktres Na Si Heart Evangelista Itinuturing Na “Biggest Role Model” Ang Kanyang Inang Si Cecilia Ongpauco

Kasabay ng pagpupugay sa kadakilaan ng mga ina nung selebrasyon ng “Mother’s Day” ay isang Instagram post naman ang ibinahagi ng aktres na si Heart Evangelista para sa kanyang minamahal na ina.




Makikita nga sa IG post ng aktres ang tila before and after photo nila ng kanyang ina, kung saan ay kasama d in niya ang iba pa niyang mga kapatid. Ang isa ngang larawan ay nagpapakita ng tila throwback photo nila dahil sa musmos pa lamang sila ng kanyang mga kapatid sa nasabing larawan, samantala sa isa namang larawan ay tila kinunan sa kasalukuyan kung saan ay malalaki na silang magkakapatid.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Kalakip ng larawan na ito ay ang naging caption ng aktres, kung saan ay ibinahagi niya na sa kanyang paglaki ay una sa lahat ng kanyang mga inidolo ay ang kanyang Mommy Cecil. Saad pa ng aktres, sinabi niya noon sa kanyang sarili na ang ina niya ang kanyang tutuluran sa kanyang paglaki.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

“My mom was my biggest role model growing up. I told myself that I was going to be as loving and graceful as her someday.”

Photo Credit: iamhearte/Instagram

Dagdag pa ni Heart, hinahangaan niya ang pagmamahal at sakripisyo na ibinibigay ng kanyang ina para sa kanilang pamilya. Ibinahagi rin niya na isa sa mga hilig nilang bonding ng kanyang Mommy Cecil ay patungkol sa Skin care, at ito talaga ang kanilang pinagkakasunduan.

Photo Credit: iamhearte/Instagram

“I’m so lucky to have a mom who gives the beast beauty advice”, ani Heart.
“Up until this day, my mom still has that amazing youthful glow that I also get to enjoy thanks to her best-keeps secrets!”, dagdag na saad pa nga ng aktres sa kanyang naging caption.

Proud din na ibinahagi ni Heart na dahil sa hilig nila ng kanyang ina sa mga skin care ay napanatili nila ng kanyang Mommy Cecil ang kanilang kagandahan, na talaga namang kitang-kita na tila nga hindi kumukupas ang kanilang tagalay na ganda.

Binati rin ng aktres ang kanyang ina nu’ng araw ng Mother’s Day, upang pasalamatan at ipramdam dito ang kanyang pagmamahal. “Happy Mother’s Day, mom! Thank you for all the love and everything you have taught me. I’m blessed to have you. Love you, mom!”, ani pa ni Heart.

Makikita nga sa mga larawan ni Heart at ng kanyang Mommy Cecil na tila sila’y mga modelo sa isang magazine, dahil nga sa kanilang walang kupas na kagandahan. Aakalain din ng madami na magkapatid lamang ang dalawa, dahil sa fresh-young looking pa rin talaga ang ina ng aktres.




Lubos ngang ipinagmamalaki ni Heart ang kanyang Mommy Cecil bilang kanyang role model, dahil hindi lamang ito basta maganda at maalaga sa sarili, kundi mapagmahal at maalaga rin ito lalo na sa kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *