Aktres Na Si Ina Rayundo Inaming Hindi Na Romantiko Ngayon Ang Kanyang Asawa

May bagong pinagbibidahan na Anthology series ang aktres na si Ina Raymundo, at ito ay ang “#AmpalayaChronicles Presents Me & Mrs. Cruz” na nagsimula ng mapanood noong ika-26 ng Marso sa iWant TFC Original.




Ang pelikulang ito ay direksyon ni Real Florido, kung saan ay makakasama pa nga ni Ina dito ang iba pang mga aktor at aktres kagaya na lamang nina Kristof Garcia, Nicki Morena at Paulo Angeles.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Interesting ang love story ng mga karakter nina Ina at Paulo sa nasabing pelikula, ito ay base sa trailer, makikita na taga-deliver ng bulaklak at singer na may iba’t ibang karakter para sa aktres bilang si Mrs. Cruz na isang biyuda na unang kita palang sa binata ay nabighani na agad.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Sa ipinakitang trailer ay makikita na tila malaking hamon sa role ni Paulo para alamin kung sino ang nagpapadala ng bulaklak na ayaw namang tanggapin ng aktres. Makikita naman na sa bandang huli ay naging kaibigan niya ito at pilit na pinasasaya na sa kalaunan ay ang kagustuhan na.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Samantala, kamakailan nga lamang ay nagkaroon ng virtual mediacom ang nasabing pelikula, kung saan ay naitanong sa aktres na si Ina Raymundo kung pagdating ba sa pag-ibig ay mahalaga sa kanya ang edad, kagaya na nga lamang ng naging karakter ni Paulo sa kanilang pelikula na nagkagusto sa kanya.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

“I personally don’t think so. Siguro sa 10 ganun bihira rin talaga ‘yung maguwo-work but it does lalo na kapag nahanap mo ‘ang soulmate mo” ani ni Ina.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Dagdag pa niya, “Marami kasing babae na ‘yung spirit nila is so young na ang mas bagay sa kanila ay ‘yung younger men. And may mga much older men naman na usually older, like younger women.”

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Pahayag pa ng aktres, sa panahon ngayon ay tila hindi na nga ‘big deal’ ang ganitong usapin pagdating sa pag-ibig. “So, lalo na sa panahon ngayon na very open na, dati parang medyo taboo, right? Or medyo hindi pa accepted but now, no big deal. And halos lahat nga ng pinapanood ngayon ay May-December (affair), ‘yun ang patok talaga, gusto ng tao and it works. Kinikilig ang mga tao sa ganun kasi maraming nakaka-relate,” sabi ng aktres.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Sa mapapanood pa ngang trailer ay makikita na napakaraming beses na nagbigay kilig ang karakter ni Paolo sa karakter ng akres, kaya naman nagkaroon muli ng panibagong tanong kay Ina, at ito nga ay kung ano na ba ang nagawang romantic gesture para sa kanya ang asawa.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Dito na nga natin napag-alaman ba hindi pala ganun ka-romantiko ang asawa ni Ina Raymundo, ngunit sa kabila nito para sa aktres ay napakabuti at responsable nitong asawa at ama ng kanilang mga anak.

Ikinuwento nga ni Ina kung anong klaseng asawa ang kanyang mister, at bakit sa kabila ng hindi na nito pagiging romantiko sa halos 20-taon ba bilang pagsasama ay nanatili na matatag ang kanilang pagsasama.




“Oh, I can’t remember kasi ‘tong asawa ko he’s been with me for 20 years and my husband is not very romantic and aminado naman siya na hindi siya romantic na tao.
“Siguro nung nangi-date palang kami nung bago palang kami talagang he swept me off my feet ganun. Hindi ko na maisip in particular pero he really spoiled me all that.

“And 20 years later, he’s still a very good husband but ‘yung pagiging romantic talaga it’s so sad nawawala na after so many years kaya kailangan talaga extra effort from the guy not from women it should be the guy.

Kwento pa ni Ina, dahil rin sa pagiging abala ng kanyang asawa sa kanilang mga anak kaya,m naiintindihan niya kung bakit hindi na ito masyadong romantiko. Marahil ay kapag malaki na ang kanilang mga anak, ay magkakaroon muli sila ng panahon na maging romantic sa isa’t isa.

Chika pa ni Ina, mas okey na sa kanya ang lalaking hindi romantiko, basta nasisigurado naman niya na siya lang ang nag iisang babae sa buhay nito, dahil marami nga naman diyan ang lalaki na romantiko nga, ‘yun pala hindi lang iisa ang nararamdaman ng pagiging romantic niya.




“Of course there is love kasi ang asawa ko sobrang bait. May mga lalaki nga sobrang romantic pero malaman mo hindi lang pala ikaw. “So mas gugustuhin ko na ‘yung super nice person, he’s such a good father to our kids and mas gugustuhin ko na ‘yun at may peace of mind ako na ganun siya.

“So mas pipiliin ko na ang hindi romantic kaysa sa romantic na ladies’ man na matinik. Kaya pipiliin ko na ‘yung asawa ko ng 18 years and 2 years boyfriend-girlfriend kaya 20 years na kami,” paliwanag ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *