Aktres Na Si Jane Oineza Ibinahagi Ang Pagiging Certified Plantita At Pagiging Seksi fit

Dahil sa pagkakaroon ng quarantine, kung saan ay naging limitado ang paglabas ng marami sa atin, ay mas maraming oras ang nailalaan natin sa loob ng ating mga tahanan. Kung kaya naman marahil ang iba sa atin na sana’y sa galaan ay talaga namang nakakaramdam na ng pagkabagot sa loob ng kanilang tahanan.



Ngunit sa kabila naman ng nararanasang pagkabagot sa loob ng tahanan, may ilan naman sa atin na imbis magmukmok at makaramdam ng pagkabagot, ay inilaan na lamang ang kanilang oras sa gawaing kapaki-pakinabang kahit ikaw ay nasa loob ng tahanan.
Photo Credit: janeoineza/Instagram
At isa na nga sa mga ito ay ang isa sa mga sikat na aktres sa showbiz, na si Jane Oineza o mas kilala ng kanyang pamilya bilang si Elizabeth Jane Urbano Oineza.
Photo Credit: janeoineza/Instagram
Si Jane Oineza, ay hindi nga lamang kilala bilang isang aktres sa showbiz, dahil maliban dito ay isa rin siyang modelo at singer. Matatandaan na nagsimula si Jane sa showbiz bilang isang child star sa Goin’ Bulilit, at napabilang rin siya noon sa pelikulang Kung Fu Kids.
Photo Credit: janeoineza/Instagram
Mas nakilala pa nga ng publiko ang aktres, ng maging isa siya sa mga housemate’s ng bahay ni Kuya o Pinoy Big Brother House PBB.
Photo Credit: janeoineza/Instagram
Samantala, katulad natin, ay isa rin si Jane Oineza, sa mga nakaranas na ba quarantine, at maging limitado ang paglabas sa kanilang tahanan. Subalit sa kabila nito, imbis na siya ay makaramdam ng pagkabagot, ay ginawang makabuluhan ng aktres ang pananatili niya ng matagal sa loob ng kanilang bahay ng halos ilang buwan.
Photo Credit: janeoineza/Instagram
Sa isang naging panayam ni DJ Jhai Ho sa aktres, sa episode ng Hotspot, ay ibinahagi ni Jane, na ng dahil sa quarantine ay nagawa na niya ang isang bagay na noon pa man ay nais na niya talagang gawin, at ito nga ay ang pagtatanim ng halaman.
Photo Credit: janeoineza/Instagram
Ibinahagi nga ng aktres sa panayam sa kanya, na ngayon siya na rin ay maituturing na isang “plantita”, dahil sa pagkahilig na rin niya sa mga bulaklak. Inamin nga ng aktres, na noong una, ay talaga namang hindi niya pa alam, kung paano siya nagsisimula sa paghahalaman, ngunit ngayon ay batid na niya ito at alam na niya kung ano ang mga dapat niyang gawin sa pagpapalago ng kanyang mga halaman.
Photo Credit: janeoineza/Instagram
Ayon pa nga sa aktres, siya mismo ang personal na nag-aalaga ng kanyang mga tanim.
Ilan nga sa mga tanim na koleksyon ng aktres ay iba’t ibang uri ng humidifiers, katulad ng snake plant, ivy plant, philo plant, cactus, spider plant, at mga rubber tree.



Ibinahagi rin ng aktres na ilan sa kanyang mga halaman ay ginawa niyang dekorasyon sa loob ng kanyang silid. Hindi nga lamang ang pamahalaan ang pagka-abalahan ni Jane Oineza sa panahon ng quarantine. Mapapansin nga sa aktres, na mas lalo pa itong naging fit at seksi ngayon, kaya naman ibinahagi nito, kung ano ang kanyang ginawa upang ma-achieve ang kanyang fit at healthy body goal.
Consistent sa pag-eehersisyo at pagbabawas ng kanin o fasting, yan umano ang naging sikreto ng aktres upang mas maging fit at healthy ang kanyang katawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *