Aktres Na Si Janella Salvador Ipinakita Na Ang Larawan Ng Kanyang Anak Sa Publiko

Maraming kaganapan ang nangyari sa pagpasok ng bagong taon, lalo na sa mga buhay ng mga kilala nating celebrity. Ilan sa kanila ay kinumpirma na ang kani-kanilang relasyon, at may iba naman na ibinunyag na ang katotohanan sa likod ng mga usap-usapan tungkol sa kanilang mga personal na buhay.




Matatandaan na taong 2020, ng isapubliko nina Janella Salvador at Markus Paterson ang kanilang relasyon. Kasunod nito, ay ang lumabas na balita na di umano’y buntis ang aktres sa kanilang magiging anak ng actor-model, kaya ito ay nawala bigla sa telebisyon at lumipad nga patungo sa ibang bansa, kung saan naninirahan ang pamilya ni Marcus.

Photo Credit: superjanella/Instagram

Mas umugong pa nga ang balitang, totoong buntis ang aktres, ng lumabas sa ulat na siya ay nakatira sa mismong tahanan nina Marcus sa United Kingdon, kasama ang pamilya nito at ng bigla-bigla ay lumipad patungo rin sa nasabing bansa ang ina ni Janella.

Photo Credit: superjanella/Instagram

Maliban pa nga sa mga balitang ito, ay mayroon ring video clips na kumalat sa social media, kung saan, hindi man nakita ang aktres, ay narinig naman ang boses nito na nagsabing “she will show her bump” at “she’s not allowed to jump” na mas nagbigay konklusyon nga sa mga netizens, na marahil ay totoong buntis ang aktres, at kaya hindi ito maaaring tumalon ay dahil makakasama ito sa ipinagbubuntis niya.

Photo Credit: superjanella/Instagram

Hindi nga lamang dito nagtapos ang usapin patungkol sa pagbubuntis ni Janella, at pagkakaroon na nila ng anak ng boyfriend na si Marcus Paterson. Dahil noong buwan lamang ng Oktubre, ay isang screeshot na larawan ang muling kumalat online, kung saan ito ay nakunan ng isang tagahanga ni Marcus sa Instagram stories ng aktor.

Photo Credit: superjanella/Instagram

Makikita nga sa naging usap-usapang screenshot photo ang isang babae at isang baby na nasa hospital. Hindi naman maaninag ng husto ang mukha ng naturang babae, ngunit tingin ng mga netizens, ay si Janella ito dahil may ilang anggulo sa larawan na mababakas na ito ay ang aktres.

Photo Credit: superjanella/Instagram

Sa kabila nga ng ilang mga patunay na ito, tungkol sa pagkakaroon na ng anak nina Janella at Marcus ay nanatiling tikom ang magkasintahan, at maging ang kanilang pamilya.

Photo Credit: superjanella/Instagram

Ngunit ang pananahimik ng aktres patungkol kanyang pagbubuntis at pagkakaroon ng anak, ay kanya na ngang tinuldukan ngayong araw na ito, ika-5 ng Enero 2021. Ito ay matapos kumpirmahin ng aktres na siya nga ay mayroon ng baby, at ito ay sa pamamagitan ng pag-post ni Janella sa kanyang Instagram ng larawan kung saan ay makikita siya na karga-karga ang isang baby.




Kalakip nga ng larawan na ito ng aktres, kung saan ay makikitang tila hinahalikan niya ang kanyang baby, ay ang caption na “It’s Time!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)

Dahil sa naging pagbabahagi na ito ni Janella ng naturang larawan, ay tila nararamdaman na ng marami sa atin, na malapit ng ipakilala ng aktres sa publiko ang kanyang baby. Kaya naman antay-antay lang tayo, sa tamang panahon na tuluyan na ngang ilalantad ni Janella sa publiko ang baby nila ni Marcus Paterson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *