Aktres Na Si Jodi Sta. Maria Inamin Na Hindi Pa Handa Sa Pagbibinata Ng Kanyang Anak Na Si Thirdy

Tunay nga naman na “Extra Challenge” para sa mga magulang ang makita ang kanilang mga anak, na nagdadalaga at nagbibinata na. Ito ay dahil sa panahon ng kanilang kabataan, ay nasanay tayo na tayo ang kanilang mundo.




Isa na nga sa mga magulang ngayon na humaharap sa ganitong “challenge” ay ang aktres at single mom na si Jodi Sta. Maria, dahil ito sa nagbibinata na niyang anak na si Thirdy.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Kamakailan nga lamang ay isa sa mga naging guest ng programang “Magandang Buhay” ng Kapamilya channel si Jodi Sta. Maria, at dito na nga ibinahagi ng aktres, na ngayong nagbibinata na ang anak niyang si Thirdy, ay mas double effort ang kanyang ginagawa, para malaman ang nararamdaman at pangangailangan ng anak.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

“I would always ask Thirdy. Parang ‘How are you?’ because I would want to know kung ano ‘yung nararamdaman niya ngayong araw na ‘to. So gusto ko naman i-address ‘yun.” Saad ni Jodi.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Kwento pa ng ani Jodi, sa tuwing nararamdaman niya na nais ng kanyang anak na si Thirdy na mapag-isa at manahimik, ay nirerespeto niya iyon.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

“But I know it’s not every day na open siya or ready siya to talk about his feelings and I respect that. In any way I can, pinapakita ko sa kanya na mahal ko siya kasi mahal na mahal ko talaga ‘yung taong ‘yun.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Kwento pang ani Jodi, madalas niyang sinasabi kay Thirdy, kung gaano niya ito kamahal, na kung minsan ay nakukulitan na ito sa kanya. Lagi niya rin ipinakita at pinaparamdam dito ang kanyang suporta sa bawat desisyon na gagawin nito.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Sa naging panayam rin sa aktres, ay inamin nito, na hindi pa pala siya handa sa nakikita niyang pagbibinata na ng kanyang anak na si Thirdy, kahit pa nga ba alam niya, na hindi naman habang buhay ay magiging bata lamang ito.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

“Akala ko magiging handa ako. Kasi alam ko naman. Hindi ko naman mapipigilan ang paglaki ng bata ‘di ba?” “For me, in my head, ah kaya ko ‘to. Pero ‘nung dumarating na ‘yung mga changes, taon-taon na nag-birthday siya, nakikita ko na facial hair, kilikili hair, parang sabi ko ‘Grabe, ito na ‘toh’, ang naging chicka pa nga ng aktres.

Photo Credit: jodistamaria/Instagram

Saad pa nga ni Jodi, sa unti-unti niyang nakikita na pagbibinata ni Thirdy, ay doon niya narealize na hindi pa pala siya handa. “Kasi syempre noong maliit sila, ikaw ang mundo nila. Sa’yo lang iikot ang mundo nila. Makibot lang ng konti ‘mommy’, alis ka lang ng konti, ‘mommy,. Kapait na ‘yan dito (sabay turo sa paa). Hindi ka pwedeng mawala sa paningin nila”, pagkukuwento pa ng ani Jodi.

Tila naging emosyonal na naman si Jodi, ng ibahagi nito na ngayon ay nakikita na niya ang kanyang anak na maliban sa kanya, ay mayroon ng ibang priority, kung saan ay mayroon na ring mga bagay na importante rito ngayon, katulad na lamang nga ng mga kaibigan nito sa paaralan.

Saad pa ng aktres, kahit hindi pa nga siya handa, ay talaga namang pasasaan ba at kailangan niyang maging handa, dahil ang pagbibinata ng kanyang anak, ito ay isang bagay na kailangan niyang tanggapin, bilang ina nito.




Ibinahagi pa nga ni Jodi, na ngayon niya mas naiintindihan ang madalas sabihin sa kanya ng kanyang mommy noon, na “mae-experience mo rin yan.”

“Parang yung mga bagay na pinagdaanan niya sa akin before, parang ngayon ko siya, ‘Ok mas naiintindihan ko na siya ngayon”, ang pahayag ng ani Jodi, kung saan marahil ay marami sa ating mga mommy ang talaga namang nakaka-relate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *