Aktres Na Si Maja Salvador Ipinasilip Sa Publiko Ang Tahanan Ng Mga Nuñez

“I am home again”, ito ang nararamdaman ng aktres na si Maja Salvador, mula ng muli silang magkabalikan ng dati niyang nobyo na si Rambo Nuñez.



Si Rambo Nuñez ay unang naging nobyo ng aktres na si Maja Salvador, ng ito ay 21-taong gulang pa lamang. Dahill sa dala ng kabataan, at masyado pang abala ang aktres sa pag-abot ng kanyang mga pangarap bilang isang artista , ay nagkahiwalay ang dalawa.
Image Credit via YouTube
Matatandaan na taong 2010 ng magkahiwalay si Maja at Rambo. Ngunit makalipas ang ilang taon ng kanilang naging paghihiwalay, ay tila tadhana na ang gumawa ng paraan upang ibalik sila sa piling ng isa’ isa.
Image Credit via YouTube
Nito nga lamang nakaraan, ay ibinahagi ni Maja Salvador sa kanyang latest vlog, ang kanyang naging pagbisita sa tahanan nina Rambo.
Image Credit via YouTube
Mapapanood sa unang bahagi ng video ng aktres, na bago pumasok sa tahanan ng pamilya ng kanyang nobyo, ay sumunod ito sa safety protocols, kung saan ay kinakailangan muna mag-sanitize bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.
Image Credit via YouTube
Ayon naman sa aktres, dahil sa madalas siyang nagtutungo sa tahanan ng nobyo, ay na-recognized na ng fingerprint recognizer na nagsisilbing “lock”ng front door ng tahanan ang kanyang fingerprint.
Image Credit via YouTube
Unang nagtungo ang aktres sa “kitchen” ng tahanan, kung saan ay kapansin-pansin ang all-white themed color nito, na mas nagpalinis tingnan dito.
Image Credit via YouTube
Kahanga-hanga naman ang pagka-organized ng mga kagamitan sa bahaging ito ng tahanan ng mga Nuñez, dahil sa mga magagandang kagamitan na makikita rito. Mayroon rin itong , isang open-view counter.
Sumunod namang ipinasilip ni Maja ang powder room ng tahanan, ay matapos nito ay ang living room naman kung saan ay agaw-pansin ang isang antique rocking chair na makikita rito. Mayroon rin ditong makikitang isang piano organ.
Ayon naman kay Maja, karamihan sa mga kagamitan na makikita sa nasabing tahanan ay binili sa Kuysen furniture store. Ibinida rin ni Maja Salvador, ang mga koleksyon ng ina ni Rambo na mga cow-parade collections.



Nagtungo rin ang aktres sa ikalawang palapag ng tahanan, kung saan ay pinakita niya na mayroon doong massage chair, na ginagamit ng pamilya kapag nais ng mga ito ang makapag relaks.
Video Credit: maja salvador/YouTube
https://www.youtube.com/watch?v=46n4ggn2Lmo&feature=emb_logo
Ibinahagi naman ng nobyo ng aktres na si Rambo Nuñez, na katatapos lang ng renovation ng kanilang penthouse. Buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon, ng masayang ibahagi nina Maja at Rambo sa publiko, na silang dalawa ay nagkabalikan na, ito ay matapos ang 9 na taon ng sila’y magkahiwalay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *