Aktres Na Si Sam Pinto Ikinasal Na Sa Isang Napakagandang Romantic Sunset Wedding

Nito nga lamang araw ng Lunes, ika-8 ng Marso 2021, ay muling nadagdagan ang mga pusong pinag-isa ng sumpaan ng kanilang pag-iibigan. Dahil ang aktres na si Sam Pinto at fiancé nito na isang cager na si Anthony Semerad, ay ikinasal na at nagpalitan na nga ng sumpaan ng pag-ibig nila sa isat-isa.




Ayon sa naging ulat ng PEP, ang magkasintahan ay ikinasal sa rooftop terrace ng Conrad Manila Hotel, kung saan ay matatanaw overlooking ang napakagandang tanawin ng Manila Bay, at isa ngang romantic sunset wedding ang naganap.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Bago pa man humantong ang pag-iibigan ng dalawa sa sumpaan ng tapat na pag-ibig sa isa’t isa at kasalan, ay dalawang taon at pitong buwan din muna silang naging magkarelasyon bilang magkasintahan.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Sa mga lumabas ngang larawan na kuha sa naging pag-iisang dibdib nina Sam at Anthony, ay makikita na pinuno at dinisenyuhan ng mga magagandang bulaklak ang venue ng kanilang kasal.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Makikita rin na ang makeshift altar kung saan nagpalitan ng kanilang wedding vows ang dalawa ay puno rin ng mga nag-gagandahan at makukulay na mga bulaklak.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Samantala, ngayong araw nga ng Martes, ika-9 ng Marso, ay agad na inanunsyo ng newly wed na sina Sam at Anthony sa lahat na sila ngang dalawa ay mag-asawa na.
“Forever has a nice ring to it.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

“Not really a cheesy type of person but I promise to spend the rest of my decades with you! “I am so ready for our future to rock our world @anthonysemerad”, ang naging saad ni Sam.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

Sa kabilang banda, makikita naman sa social media account ni Anthony ang kanyang naging hiwalay na post, kung saan ay buong pagmamalaki nga niyang inihayag na siya ay kasal na sa babaeng kanyang minamahal.

Photo Credit: sampinto_/Instagram

“I’m a married man! Excited for this new journey with you Mrs. Semerad”, ani Anthony.
Sina Sam at Anthony ay engaged na noong pang buwan ng Agosto taong 2019, kung saan ang wedding proposal nga ay naganap sa Queensland, Australia habang nagbabakasyon ang dalawa.




Si Sam Pinto, ay 31-taong gulang na, at nakilala bilang isa sa mga dating housemate ng Pinoy Big Brother: Double Up. Dati rin siyang mainstay ng GMA-7 gag show na Bubble Gang. Samantala, si Anthony Semerad naman ay 29-taong gulang na kilala bilang PBA player na nabibilang sa TNT Katropa team.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *