Aktres Na Si “Sampal Queen” Dionne MonsantoTuluyan Ng Iiwan Ang Kanyang Showbiz Career

Inihayag na ng aktres na si Dionne Monsanto na tuluyan niya ng iiwanan ang mundo ng showbiz at bibitiwan ang kanyang career bilang isang aktres.




Nito nga lamang nakaraan, ay naging “guest” si Dionne sa Kapamilya morning talk show na “Magandang Buhay”, at dito nga inanunsyo ng aktres ang kanyang tuluyan ng pag-iwan sa kanyang career bilang isang artista.

Photo Credit: dionne/Instagram

Kasabay pa nito, ay inamin rin niya na ang dahilan nga ng kanyang pag-alis sa showbiz, ay dahil sa naninirahan na siya sa bansang Switzerland, kasama ang kanyang fiancé na si Ryan Stalder.

Photo Credit: dionne/Instagram

“I want to say thank you so much. This is my last guesting ‘cause I’m retiring. I am already retired”, ang naging unang pahayag nga ni Dionne.

Photo Credit: dionne/Instagram

Dagdag pa ng magreretiro na gang actress, ang “Hello, Stranger’, ang kanyang huling pelikula, at ang naging pag-guest niya sa Magandang Buhay ng araw na iyon, ang huling guesting niya.

Photo Credit: dionne/Instagram

“Hello, Stranger’ is actually my last project and this is my last guesting. So, thank you so much ‘Magandang Buhay”, ani pa ni Dionne.

Photo Credit: dionne/Instagram

Maliban nga sa naging paglalahad ni Dionne ng kanyang pagreretiro sa showbiz, ay sinabi rin niya ang dahilan kung bakit ito ang kanyang naging desisyon. At ayon nga sa aktres, ay naninirahan na siya sa bansang Switzerland, kasama ang kanyang mapapangasawa, na nakabase nga sa nasabing bansa.

Photo Credit: dionne/Instagram

Samantala, makikita rin sa Instagram account ni Dionne ng isang touching message na kanyang isinulat, na nagsasaad nga ng kanyang taos pusong pasasalamat para sa lahat.

Photo Credit: dionne/Instagram

Pinasalamatan ng 35-taong gulang na aktres ang industriya na naging daan para makamit niya ang kanyang mga pangarap at ang kanyang mga tagahanga na sumuporta sa kanya, simula sa umpisa ng kanyang karera.

Photo Credit: dionne/Instagram

“This day 14 years ago, our batch (PBB season 2) was launched. Today, my last TV guesting for @_magandangbuhay aired.” “I started acting professionally in 2002 for ABS-CBN RNG. It has been an amazing 18 years. Thank you for helping this small-town girl achieve her dreams. I am forever grateful”, ang nakasaad nga sa IG post ni Dionne.




Ika-6 ng Pebrero ng ma-engaged si Dionne sa kanyang nobyong si Ryan Stalder, kung saan ay nagaganap ang kanilang engagement sa Switzerland. Ibinahagi naman ni Dionne sa lahat ang pagiging engage nila ng kanyang kasintahan, sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa kanyang Instagram post.

“I said, ‘Yes! Why’d you take so long? ‘Ryan & I known each other since my PBB season in 2007. Yet we only started dating in 2018 – 11 years of knowing each other”, ang naging Instagram post nga ng aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *