Aktres Na Si Sanya Lopez Inamin Na Gusto Niya Maging “Yaya” Ni Alden Richards Sa Totoong Buhay

Inamin ni Sanya Garcia, na kung siya ay bibigyan ng pagkakataon na makatrabaho si Alden Richards ay talaga namang susungggaban niya ang oportunidad, dahil matagal na umano niyang nais na makasama ito sa isang proyekto.



Ang aktres na si Sanya Garcia, nas nakilala at naging popular sa showbiz ng mapabilang siya siya sa 2016 primetime series na “Encantadia”, kung saan ay gumanap siya bilang isa sa mga Sang’gre at ito nga ay si Sang’gre Danaya.
Ilan pa nga sa mga proyekto na kanyang ginawa, kung saan niya ipinakita ang kanyang husay sa pagiging isang aktres ay ang nga pinalabas sa telebisyon na “Haplos”, “Cain at Abel”, at “Dahil sa Pag-ibig”.
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
At ngayon nga ay panibagong primetime series naman ang kanyang pinagbibidahan, ito ay matapos ihayag ng GMA Network kamakailan lamang na siya na ang gaganap sa title role ng bagong serye ng kanilang ipapalabas na pinamagatang “First Yaya.”
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
Matatandaan na dapat ang Primetime Queen na si Marian Rivera ang bibida sa nasabing serye, ngunit dahil nga sa ito ay isang lock-in taping ay tinanggihan na ito ng aktres, at mas pinili na lamang ng pagtuunan ng oras at alagaan ang kanyang mga anak na sina Zia at Ziggy.
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
At dahil nga sa nangyaring pag-tanggi ni Marian sa nasabing proyekto, ay agad naghanap ang GMA Network ng aktres na maaaring pumalit rito.
Ang aktres na si Sanya Lopez nga ang una at kai-isang choice ng nasabing network na pwedeng gumanap sa role bilang Melody sa seryeng “First Yaya”.
Photo Credit: sanyalopez/Instagram
Si Melody, ay ang pangalan ng bida sa nasabing primetime series, na siyang maging “love interest” ng magiging karakter ng aktor na si Gabby Concepcion.
Dahil nga sa naging pagpili sa kanya, ay talaga namang naging very thankful ang aktres sa GMA Network, at ibinahagi nito kung gaano siya kasaya sa naging pagpili sa kanya, at sa suporta na ibinibigay ng kanyang mga tagahanga sa bagong proyekto na ito na kanyang gagawin.
“First time ko po na magkaroon ng show sa primetime na ako ang title role, kaya sobra akong nagpapasalamat sa GMA at sa fans na laging nag suporta. Kabado rin po na excited kasi alam kong malaki ang ine-expect ninyo sa akin bilang inyong “First Yaya.”



Sa naging panayam rin sa aktres, ay hindi maiiwasan na itanong sa kanya ng mga reporters, kung siya ba ay mayroon ng lovelife ngayon, na agad naman nitong sinagot na;
“No boyfriend since birth.”
Kasunod nga nito ay ang naging pabirong sabi ni Sanya na gusto niyang maging Yaya ni Alden Richards sa totoong buhay. Sa kabila nito, ay batid ng marami sa atin na ilang bese ng ini-link ang aktres sa aktor na si Alden Richards, kung saan ay pareho naman silang single nito.Ano sa tingin niyo, bagay ba si Sanya Lopez at Alden Richards

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *